top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After ma-bash sa icing incident… ALEX, BAGONG BUHAY NA, 'DI NA MADALDAL AT GALAWGAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 8, 2023



Tiyak na maraming babae ang makaka-relate sa ordeal na pinagdaanan ni Alex Gonzaga nang sumailalim sa IVF procedure para lang magbuntis siyang muli.


Sa kagustuhan niyang magkaroon na sila ng baby ng kanyang mister na si Mikee Morada, sumailalim siya sa IVF procedure pagkatapos ng una niyang miscarriage.


Hindi naging madali para kay Alex ang nasabing procedure dahil twelve sessions ang kanyang binuo para sa IVF procedure. Physically ay mahirap ang nasabing proseso. Pero tiniis ni Alex dahil gusto na niyang maranasan ang maging ina tulad ng kanyang Ate Toni Gonzaga.


Pero sad to say, hindi naging successful ang IVF kay Alex. Walang nabuong fetus at labis nila itong ikinalungkot ni Mikee.


Ganunpaman, tinanggap na nina Alex at Mikee na hindi pa panahon para ibigay sa kanila ni Lord ang pangarap nilang anak. Willing naman silang maghintay kung kailan darating ang kanilang “little angel” at hindi na rin magpapa-pressure si Alex sa mga taong laging nagtatanong at nag-aabang kung kailan siya mabubuntis.


Samantala, marami ang nagsasabing medyo nag-mellow at nag-mature na si Alex ngayon matapos siyang ma-bash nang husto sa social media dahil sa “icing incident” sa waiter. Hindi na siya ngayon gaanong madaldal at galawgaw. Hindi na rin siya gaanong nagpa-prank. At marami ang nagwi-wish na sana, ituluy-tuloy na ni Alex ang pagbabagong ito para tuluyan nang mabura sa publiko ang kanyang bad girl at negative image.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page