After ilantad si Leren… ANDREA, MAY HUGOT POST VS. RICCI
- BULGAR
- Oct 24, 2023
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | October 24, 2023

May ipinost si Andrea Brillantes sa kanyang IG account na Blythe.
Ang post ng petite young actress, "PAINT ME AS THE VILLAIN IF THAT MAKES YOU FEEL BETTER."
May caption pa siyang inilagay: "Life? Life is good, life is great."
Tanong ng mga netizens, 'yun daw ba ang kanyang sagot sa mga tirada ng ex-BF niyang si Ricci Rivero at ng girl na ipinalit sa kanya na si Leren Mae Bautista?
Positibo naman ang komento ng mga netizens sa post ni Andrea.
"I love Andrea!"
"Who's the real "queen" here???"
"Toroy! Sa true. 'Wag mo na patulan. Chararat naman silang pareho. Kebs, ganda ako, vaket ba?
Ganern! Push!"
"Bilib ako kay Andrea, she's handling the issues about her ex well. Kasi sabi, pabebe siya, boses-bata or whatever, pero after the cheating and breakup, ang mature ng way niya to move on. Akala ko talaga, iiyak-iyak siya sa interviews, tapos magiging bitter, good job, Andrea."
"Maaa, panoorin mo 'yung interview niya kay Vice Ganda. Sobrang nakakatuwa 'yung mga sagot niya regarding sa ex niya."
"In fairness, magaling siya sa Senior High. 'Di rin siya pa-bebe talk :)"
"Magaling siya sa Senior High pero sobrang liit niya sa mga lalaki. Sayang, maganda pa naman face niya."
"Oh, my... someone is missing something big."
"Love it. Wag mo na bigyan ng clout ghorl you deseeve better"
"'Wag mo nang patulan, Andrea. He is not worth it. The way he handles things right now, so low. Na-prove mo naman na tama ka."
"If it is? SLAY! Ayaw niya ng artistang CEO, gusto niya, pulitikong labandera."
Aray ko! Bakit kaya labandera ang tingin nila kay Leren, eh, beauty queen ito?
"Akala ko ba, nag-move on ka na?"
"Ikaw ba naman, pinaparinggan pa rin ng ex mong pangit, hehe, daig pa babae o baka nga babae kasi 'yung girlfriend ang nag-post/replies, lol! Pikon na pikon, eh."
"Te, 'yung dalawa 'yung 'di maka-move on, lalo si tita mong Leren. Gusto pang idamay si Blythe na nananahimik lang."
"Shunga. Dina-drag siya ni ex and ng kanyang current GF!!! I'm 100% sure na hindi mo hahayaan ang ex mo na i-drag ka once he has a new one."
"Young, beautiful, famous and rich. No wonder ginagawa na lang niyang katatawanan 'yung dalawang nagkakalat sa socmed, lol."




Comments