After i-announce na judge sa Miss U… FB FOLLOWERS NI MARIAN, 26 MILYON NA!
ni Nitz Miralles - @Bida | December 10, 2021

Nabago ang members ng selection committee para sa 2021 Miss Universe, ibang pangalan ang ini-release ng Miss Universe kesa sa una nilang inilabas.
Sina Marian Rivera at Iris Mittenaere na lang ang nasa original list.
Ang mga makakasama ni Marian bilang mga jurors ay sina Adriana Lima, Urvashi Rautela, Lori Harvey, Adamari Lopez, Rena Sofer, Cheslie Kryst at Rina Mor. Saka, walo na at hindi pito ang bubuo ng selection committee at pipili ng 2021 Miss Universe.
Si Lima ay Brazilian model. Si Rautela ay Indian actress-model at former beauty queen.
Si Harvey ay model. Si Lopez ay Puerto Rican TV host-actress. Si Sofer ay American actress.
Si Kryst ay former TV presenter at Miss USA 2019. At si Mor ay Israeli lawyer, writer at Miss Universe 1976.
Nakakatuwa dahil sa Instagram account ng Miss Universe, maraming Filipino ang nagko-comment na ikinaloka siguro ng mga organizers.
Saka, ‘yung comment ni Marian na nag-post lang naman ng heart emoji ang may pinakamaraming likes at comments sa mga jurors na nag-comment din.
Parang si Marian nga ang magko-compete sa Miss Universe dahil sa excitement ng mga Filipino at kanyang mga fans.
Naikuwento pala ng designer na si Francis Libiran na four days ginawa ang gown ni Marian na isusuot sa coronation night at anim na workers niya ang nagtulung-tulong na tapusin ang gown.
Ipinakita niya ang sketch ng gown sa 24-Oras na off-shoulder, na sabi ni Francis, isa sa mga assets ni Marian ang kanyang balikat.
Bale, dalawa ang inaabangan ng mga Pinoy sa 2021 Miss Universe dahil bukod sa pambato nating si Beatrice Luigi Gomez, inaabangan din si Marian.
And speaking of Marian, from 25 million, may 26 million followers na siya sa Facebook.
Ano ‘yun, nadagdagan ang followers ni Marian after i-announce na isa siya sa mga jurors ng 2021 Miss Universe?





Comments