After hiwalayan ni Janine… RODJUN KAY RAYVER: PROUD AKO SA 'YO, NAPAKABUTI MONG TAO!
ni Nitz Miralles - @Bida | November 18, 2021

Tama ang mga Marites sa kanilang paniwala na si Janine Gutierrez ang nakipag-break kay Rayver Cruz.
Dahil ito sa suporta na ibinigay ng brother ni Rayver na si Rodjun Cruz at ng asawa nitong si Dianne Medina sa aktor.
Sa IG Live ni Rodjun ng dance video nila ni Rayver, ang caption niya ay: “Got your back always. Proud of you my brother @rayvercruz. Kaya madaming nagmamahal sa 'yo at sobra kang blessed dahil napakabuti mong tao. Miss kita agad. Pagbalik ko, hataw na ulit. All the way up tayo! Love you King.”
Sinundan ito ng post ni Dianne ng “I love you @rayvercruz always and forever.”
Parang lumalabas daw na si Rayver lang ang nasaktan sa breakup nila ni Janine at pinuna rin ng mga Marites na walang nagpahayag ng suporta kay Janine sa kanyang siblings.
Ang tsika nga, si Janine ang nagsabi kay Rayver to delete her photos sa IG ng ex-BF, na sinunod naman nito.
Ang importante, parehong maayos sina Janine at Rayver at kung nakapag-move on na sila at ready na to fall in love again, mas masaya.
Kaya namin ito nasabi dahil nali-link si Janine ngayon kay Paulo Avelino at si Rayver ay mas masidhi ang pagkaka-link kay Julie Anne San Jose.
Inaabangan ng mga Marites kung sino ang unang aamin kina Janine at Rayver na may bago na silang pag-ibig at iniibig.





Comments