top of page

After daw i-unfollow sa IG… VICE, PINUNTAHAN NI JOHN SA IT'S SHOWTIME, BATI NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 15, 2021
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 15, 2021


ree


Nasorpresa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pag-apir ni John Prats sa studio ng It’s Showtime kahapon.


Biglang in-acknowledge ng ibang It’s Showtime hosts ang pag-apir ni John sa loob ng studio ng Kapamilya noontime show bago simulan ang kanilang Madlang Pi-POLL segment.


Hindi nagtagal ay na-reveal din ang tunay na pakay ng pagpunta ni John sa It’s Showtime, at mismong si Vice ang nagbulgar nito.


Pumunta si John sa It’s Showtime upang personal na kumbinsihin si Vice na mag-perform para sa ABS-CBN Christmas Special.


“Naloka ‘yung ABS, akala nila nag-umpisa na ang ABS-CBN Christmas. Dumating na ‘yung direktor, si John Prats, oh,” bulalas ni Vice pagkatapos magpasampol ng grupong 4th Impact na celebrity guests nila para maglaro sa Madlang Pi-Poll sabay pokus ng kamera sa dating direktor ng It’s Showtime na nakatayo sa hilera ng mga cameramen sa loob ng studio kahapon.


Winelcome ng mga hosts si John at sumigaw ng “We miss you.”


“Nakakakaba, nandito si John Prats,” sambit ni Vice.


Sabay-sabay namang nagtanong ang mga kasamang hosts ni Vice kung bakit.


“Mukhang may magkukumbinse,” sabay tawa ni Vice at ng iba pang hosts.


Dagdag pa ni Vice, “(Na) Sumali tayo sa opening. Hahaha!”


Pagkatapos ay niyaya ni Vice si John sa stage para magpasampol ng sayaw with Vhong Navarro.


“Maganda ‘yan, gawin ninyo ‘yan sa (Ang) Probinsyano,” biro ni Vice habang nakaakbay kay John.


Pagkatapos batiin ni John ang madlang pipol ay nagseryoso na ito at pilit hinila ang kamay ni Vice. Pero mabilis na bumitiw si Vice sa pagkakahawak ni John sa kanya.


“'Yun nga, kaya ako nagpunta rito, ha, Vice,” lahad ni John.


Hindi pa tapos si John sa sasabihin niya ay nagsalita ulit si Vice.


“Kagabi pa kasi niya ako kinukumbinse,” diin ni Vice.


“'Di ba?” pagsang-ayon ni John.


“Hah?” tugon ni Vice. “Ano ba’ng gagawin mo sa Christmas special? Hahaha!”


Singit ni Vhong, “'Yan na ang sundo.”


Biro naman ni Karylle kay Vice, “Hindi ka nakapagpatahi, ‘no?”


Tanong ni Vice kay John, “Wala kasi akong…Gusto mo ba talaga?”


Umoo naman si John kay Vice, “Siyempre.”


Sabi pa ni John kay Vice, “Hindi kumpleto ang Pasko kung wala ka.”


Sagot naman ng komedyante, “Ano ba ‘yan, personal akong pinuntahan ng direktor dito.”


“Kasi kahapon, tinext niya ako. Tapos sabi ko, 'Kasi, Pratty, ang tanda ko na.' Tapos tinext niya ako ulit. Tapos sabi ko, ‘Ano ba’ng isasagot ko dito?’ Hindi na ako sumagot. Nakatulog na ako.


Tapos nandito ka, pinersonal mo ako,” kuwento ni Vice sabay yakap kay John.


Kasunod nito, nakumbinse na rin si Vice na mag-perform sa ABS-CBN Christmas Special kung saan si John ang magdidirek.


“Sige na nga. Sasama na ako,” malumanay na pagkumpirma ni Vice.


Pagkarinig nito, napasigaw si John at iba pang It’s Showtime hosts.


“Ayun! Yehey,” sigaw ni John habang nakataas ang kamay.


“Ano ba ‘yan?! Hahaha! Go, go, go. Live ba ‘yan,” tanong pa ni Vice kay John.


Sumagot naman si John na live ang ABS-CBN Christmas Special sa Sabado.


“Sige, sige. Ayusin natin ‘yan. Ikaw talaga, Pratty,” hirit pa niya kay John.


Matatandaan na nabalitang in-unfollow ni Vice sa Instagram ang dati nilang direktor sa It’s Showtime.


Hinala ng mga Marites, may kinalaman ang comment ng dati nilang kasamang host sa noontime show na si Kim Atienza sa congratulatory post ng sister ni John na si Camille Prats sa pagiging direktor ng kanyang kuya sa FPJ’s Ang Probinsyano.


May-I-comment si Kuya Kim ng ganito sa post ni Camille, “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord, 'no? Iniwas siya sa sakit ng ulo."


Ang tsika pa, in-unfollow daw ni Vice lahat ng umalis sa It's Showtime from John, Kuya Kim, Direk Bobet Vidanes at pati na ang tumatawag ng "beshy" sa kanya na si Billy Crawford.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page