top of page
Search
  • BULGAR

After Daniel, Alden, gets mo? "GUSTO KO MUNA, MAGPAHINGA ANG PUSO NI KATHRYN" — DIREK CATHY

ni Julie Bonifacio @Winner | April 12, 2024




Inabutan namin si Direk Cathy Garcia-Sampana na nagre-rehearse for her solo production number para sa semi-final round ng singing competition na Gimme A Break Teachers Edition sa Tikme Dine Resto sa Don Faustino Avenue sa Kyusi last Wednesday.


Yes, Jans, nagpo-production number na si Direk Cathy. At 'di basta-basta kasi kailangan, solo spot number siya, ha?


Seriously, brain child ni Direk Cathy ang Gimme A Beak na nagsimula during pandemic under her new production, ang Nickl Entertainment. 


Pito ang naglaban-laban na mystery contestants that night kasabay ng 54th birthday celebration ni Dr. Carl Balita.


Tatlo ang napiling winners that night at sila-sila rin ang maglalaban-laban sa grand finals sa buwan ng June.


Ang mga hurado na pinangungunahan ni Direk Cathy ay sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Beverly Salviejo, Rocky Garcia and Frenchie Dy.  


Pagkatapos ay napagbigyan kami ni Direk Cathy na mainterbyu siya bago nagsimula ang kompetisyon. 


We asked Direk Cathy what exactly she feels na papalapit na nang papalapit sa grand finals ang Gimme A Break. 


Panimula ni Direk Cathy, “As usual, masaya kasi alam mo naman ang ating intensiyon, makatulong and more than that, (is) mai-showcase ang talent ng Pinoy.”


Sa kasalukuyang kompetisyon ay mga guro muna ang kanilang itinampok na contestants. 


“Lahat naman uunahin kaya si Sir Carl is very famous ‘noh, ‘yung kanyang review center for teachers, kaya inuna ko muna sila. Mga susunod nating editions, puwedeng nurses naman, puwede rin ‘yung mga nagki-Criminology.”


Baka some other time ay mga celebrities naman ang kanilang itampok?


“Pero, ah, punta muna tayo sa ibang bansa. Then, mga OFWs. Ang daming Pinoy na

magagaling sa ibang bansa, so, abangan ninyo. Yes, mga OFWs. Bakit hindi?”


Todo-support sa Gimme A Break si Dr. Carl.


“Nickl Entertainment po ang nag-mount ng Gimme A Break na suportado po tayo ni Dr. Carl Balita. Talagang nagkataon, pareho ang vision namin na ‘Bakit nga ba ang Pinoy, ‘no?’


Parang ‘yun ang gusto naming i-prioritize, Pinoy muna. I-showcase ang galing ng mga Pinoy and hopefully, tangkilikin ng ibang bansa.”


Nag-start ang Nickl Entertainment noong February, 2021.


“Bakit ko naisip ang Gimme A Break? Nanggaling ‘yan d’yan. Nanggaling ‘yan talaga sa ano, magpo-produce sana kami ng Korean show, tapos na-realize namin, ang mamahal pala nila.

So, sabi ko, 'Ang Pinoy kaya, nababayaran din nang ganito kamahal?'


“So, doon kami nagsimula. Eh, naniniwala naman tayo na ang mga Pinoy ay may talento sa pagkanta. So, bakit hindi muna ‘yung sa atin ang pasikatin natin? Nagkataon na si Dr. Carl Balita felt the same way pala. 


“Bakit nga ba kuha tayo nang kuha from another country, (tapos) dito pinagso-show? Bakit hindi ‘yung sa atin ang ipag-show dito and then eventually, ipag-show sa labas?"


Ani Direk Cathy, ang mananalo sa Gimme A Break ay ima-manage ng Klnic na sister company ng Nickl. 


"Pinagbaligtad lang ‘yung mga letters noon, eh. So, ginawang Klnic Artist Management.


Kasama po doon ang pagma-manage namin ng mga artists. At isa sa mga una naming ima-manage ay sina Frenchy Dy.”


Samantala, sinamantala na rin naming matanong si Direk Cathy sa umuusok na balitang nanliligaw na si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. 


Si Direk Cathy ang direktor ng first team-up sa movie nina Kathryn at Alden, ang Hello, Love, Goodbye na highest grossing film of  all time. 


Nagdududa ang mga netizens na may relasyon na ang mga bida niya sa HLG dahil sa body language ng dalawa sa ginanap na surprise birthday celebration ni Kathryn.


“Nagkataon lang na birthday nu’ng tao. Huwag nating bigyan ng kulay. Sadya lamang po na hindi imbitado sina Joross (Gamboa), si Jeffrey (Tam), pati ako. 


“Alam naman natin na private party lang ‘yun. That’s alright. Parang nu’ng ikinasal din ako…


private lang din. Kani-kanya tayo kaya walang problema sa ganoon. 


“Saka nagkataon na sila ay magkasama. Kaya walang ibig sabihin ‘yun.”


Happy kaya si Direk Cathy if one day, maging magkarelasyon na sina Kathryn at Alden?


“Hay, hala! Ano ba ‘yun?! Ang bilis-bilis. Hindi po ibig sabihin na nagkasama ay nagkaligawan na po. Puwede namang pure friendship and puwede rin namang simula of something. But, wala po tayong alam doon, so let’s not judge or assume something. Hahaha!”


Wala naman sigurong masama kung maging sina Kathryn at Alden na since pareho silang walang commitment as of the moment. 


“Oo, pero ako, gusto ko munang magpahinga ang puso ni Kathryn, para mas open kapag tumanggap ng bago kahit sinuman ‘yun,” diin ni Direk Cathy.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page