After bigyan ng bouquet ang ex ni Daniel… ALDEN AT KATHRYN, NADADALAS NA ANG PAGKIKITA
ni Nitz Miralles @Bida | Abril 5, 2024

Kahit may mga nagsasabing for publicity at marketing purposes ang mga sightings kina Alden Richards at Kathryn Bernardo, hindi maikakailang marami ang kinikilig and they are asking for more sightings sa dalawa. Kahit daw saan at kahit ano ang okasyon, basta makita lang nilang magkasama ang dalawa, solve na sila.
May mga nagsabi pa ngang advance publicity ito para sa sequel ng Hello, Love, Goodbye since sumikat ang tandem nilang Joy at Ethan.
Ngayon ay nadadalas na nga ang pagkikita nina Alden at Kathryn at walang pakialam ang mga fans, basta ang request nila, bigyan sila ng tuluy-tuloy na ayuda galing sa dalawa.
Also, numbers don’t lie! Tingnan n’yo naman ang views sa pagdalo ni Alden sa post-birthday celebration ni Kathryn, umabot na sa 10M sa Facebook at may 2.8 M sa Twitter.
Kahit sa mga vlogs na nagbalita tungkol sa latest sightings kina Alden at Kath, umaabot sa million ang views. Lalo na sigurong magkakagulo kapag pormal nang inanunsiyo at kumpirmado nang may part two ang HLG (Hello, Love, Goodbye).
Hindi maiwasang may mga nega comments, lalo na sa part ni Alden at lumabas na naman ang akusasyon na kaya siya dikit nang dikit kay Kathryn ay para pag-usapan na naman siya.
May nag-akusa pa sa kanyang kukunin lang niya si Kathryn for his Myriad Entertainment Productions, kaso wala ngang pakialam ang KathDen fans, basta magkaroon lang uli ng project ang dalawa.
Sumisingit pala ang isyu kina Alden at Kathryn habang nagte-taping ang aktor ng Pulang Araw na for sure, hindi naman maaapektuhan kahit sabihin pang tila si Sanya Lopez ang love interest niya sa series.





Comments