After 40 yrs… GARY V., PAGOD NA, AYAW NANG MAG-CONCERT
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 11, 2024

Apat na dekada na sa music industry ang tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano. Ilang concerts na rin ang kanyang nagawa at nakapag-show na siya sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng USA, Canada, Australia at iba pa.
But at his age now, 59, sabi nga ni Gary, tao lang din siya na napapagod din dahil unti-unti nang nababawasan ang taglay niyang energy.
At na-realize niya na kailangan na rin niyang mag-slow down sa kanyang pagtanggap ng mga shows kaya nagpahinga muna siya sa malalaking concerts.
Gusto na lang daw niyang makipag-collab (collaboration) kina Bamboo, Sarah Geronimo, Julie Anne San Jose at iba pang singers sa entertainment industry.
Hindi naman tuluyang magreretiro sa kanyang showbiz career si Gary dahil marami pa siyang gustong gawin at posibleng tumanggap siya ng pelikula kapag may offer. Gusto rin niyang lumabas sa musical plays.
Sa totoo lang, puwede pa rin siyang mag-concert na intimate lang ang audience at hindi sa malalaking venue.
Bilang bahagi ng kanyang 40th year anniversary celebration, magkakaroon siya ng two-night concert sa Mall of Asia Arena sa April 26-27, 2024. Ito ang One Last Time concert na tiyak na hindi palalampasin ng mga diehard Gary Valenciano fans.





Comments