ni Janiz Navida @Showbiz Special | Oct. 21, 2024
Photo: StreetBoys - SB90
Nakakatuwa at exciting na after 31 yrs. ay muling magsasama-sama sa kanilang reunion dance concert ang sumikat na all-male dance group nu'ng ‘90s na Streetboys.
Titled SB90's The Streetboys reunion dance concert, makukumpleto ang grupo sa pangunguna nina Vhong Navarro at Jhong Hilario kasama sina Maynard Marcellano, Joseph de Leon, Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Nicko Manalo, Sherwin Roux, Danilo Barrios at ang pinakasikat noon sa grupo na si Spencer Reyes.
With the help of A-Team Management ni Ogie Alcasid na tatayong producer ng dance concert at Direk Chito Roño na manager at tatay-tatayan ng Streetboys, mapapanood ngang muli ang pagsasama-sama ng 11 dance members sa Nov. 8 sa New Frontier Theater.
Nakakabilib ang samahan ng Streetboys na never daw nag-away-away at nagkaroon ng inggitan kahit nu'ng peak ng kanilang career. And they owe it to the discipline na itinuro sa kanila ng mentor nilang si Direk Chito. Kaya naman hanggang ngayon, matibay pa rin ang kanilang brotherhood.
Though minsan na ring nasubok ang samahan ng Streetboys nang aminin nilang may times pala na nagkakapareho sila ng crush na babae.
Like ‘yung inamin nina Vhong at Jhong na pareho silang nanligaw noon kay Judy Ann Santos pero pareho ring basted.
At kahapon sa mediacon ng reunion dance concert nila, nai-share ni Vhong ang kuwento na pareho pala silang nanligaw ni Joseph de Leon kay Bianca Lapus.
Nabuking ito ni Vhong dahil minsang tawagan daw niya si Joseph pero number ni Bianca ang nai-dial niya, nalaman niyang nasa bahay ng aktres ang co-member.
Pero ayun nga, si Vhong ang sinagot ni Bianca at binasted naman si Joseph and the rest is history na.
Ngayon ay may kani-kanya nang buhay ang Streetboys members. Ang iba ngang nasa ibang bansa na nakabase ay umuwi pa ng ‘Pinas para sa kanilang reunion dance concert.
Anyway, natanong namin si Vhong after ng mediacon kung wala na ba silang balak ng misis niya na magka-baby.
Ani Vhong, wala na raw dahil 44 yrs. old na ang wife niya at may anak naman na raw ito sa unang partner, gayundin naman siya na may 2 na ring anak sa mga unang nakarelasyon.
RHEA TAN, ISA SA MGA NINANG NINA SHAIRA AT EDGAR SA KASAL
TAWANG-TAWA kami kay Shaira Diaz nu'ng ma-interview namin after ng launching nila nina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix at Sofia Pablo bilang mga Belle Dolls ambassadors ng Beautederm owned by CEO Ma'm Rhea Anicoche-Tan.
Excited at proud kasi siyang nagkuwento tungkol sa mga preparations sa kanilang upcoming wedding ni Edgar Allan Guzman na magaganap on 2025.
May mga napili na nga raw silang ninong at ninang kung saan isa si Ma'm Rei bilang anak-anakan ang turing nito sa kanila ni EA.
Dito lang daw sa Metro Manila ang venue ng kasal na very intimate lang daw.
Nagpapagawa na rin daw sila ni EA ng kanilang dream house para may titirhan na sila after ng wedding. At sa Switzerland daw ang dream honeymoon niya.
But when asked kung ano ang mga fears niya sa nalalapit na kasal, pag-amin ni Shaira, ‘yung masaktan daw sa first day ng honeymoon nila dahil open book naman sa lahat na 10 yrs. na silang BF-GF ni EA pero 100% virgin pa rin siya.
Kaya tama lang talaga na umiinom si Shaira ng mga juice drinks supplement na Belle Dolls para handang-handa siya sa honeymoon nila ni Edgar Allan, haha!
Anyway, natikman na rin namin ang lahat ng flavors ng Belle Dolls products at fave namin any Strawberry and Cucumber with Kiwi and Avocado na nakaka-healthy dahil with collagen and stem cell juice drink talaga.
Although masarap din yung Dark Choco and Macchiato flavor para sa mahilig namang mag-coffee and chocolate drink.
Congrats sa 4 new ambassadors ng Beautederm!
댓글