After 3 beses makunan, nakabuo na rin! ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | May 22, 2026

Photo: IG _cathygonzaga
Ibinuyangyang na ng aktres-vlogger na si Alex Gonzaga ang kanyang pagbubuntis for the fourth time. Ito ay matapos siyang makunan nang tatlong beses.
Sa kanyang Instagram (IG) account ay isang video ang kanyang ipinost. Dito ay ini-reveal na ni Alex ang kanyang matambok na tiyan at ang journey na pinagdaanan nila ng kanyang mister na si Mikee Morada sa pagkakaroon ng anak.
Although months back ay ramdam na ng mga netizens na muling nabuntis ni Mikee si Alex, pero nanatili silang tahimik at tikom ang bibig ng vice-mayor ng Lipa kapag naiinterbyu ng media.
Sa caption ay isinalaysay ni Alex ang kanyang saloobin sa pagkakaroon muli ng baby sa kanyang sinapupunan sa ika-apat na pagkakataon.
“After almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, we never lost faith and continued to surrender everything to the Lord. While preparing for IVF, the Lord Jesus blessed us with a natural pregnancy,” panimula ni Alex sa caption.
Ipinakita rin sa video ang tatlong maliliit na paso na tinaniman nila ng buto na maaaring nagre-represent sa tatlong babies na nalaglag kay Alex.
Pagpapatuloy ni Alex, “We want to thank everyone who prayed with us, hoped with us, and supported us through this journey to becoming parents. By God's grace, our prayers have been answered, and we are finally going to be mommy and daddy.
“The Lord Jesus truly answers prayers. Please continue praying with us for a safe and healthy pregnancy until our baby arrives.”
Ipinakita rin ni Alex sa video ang latest ultrasound ng baby. Kitang-kita na buo na ito sa kanyang tiyan.
Malaki na rin kasi ang tiyan niya kaya malamang ay malapit na malapit nang isilang ni Alex ang firstborn nila ni Mikee.
Next na aabangan naman ay ang gender reveal ng firstborn nila.
Siyempre pa, dinagsa ng pagbati sina Alex at Mikee sa comment section ng post mula sa kanilang mga celebrity friends and IG followers.
Kabilang na riyan ang very close friend ni Alex na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola, gayundin si Robi Domingo na buntis din ang misis na si Maiqui Pineda.
Naku, mukhang magkakasabay pa sina Alex Gonzaga at misis ni Robi Domingo sa pag-ire ng kani-kanilang baby.
Congratulations, Alex and Mikee Morada!
PUSPUSAN na ang pagte-taping ni Coco Martin para sa bago niyang Kapamilya serye with his real-life partner na si Julia Montes, ang Sigabo.
Medyo matagal na rin since nagtapos ang hit action-serye ni Coco na Batang Quiapo (BQ) kaya excited na ang mga fans niya na mapanood siyang muli.
Huwag mag-alala ang mga fans ni Coco dahil mapapanood din ngayong taon sa Kapamilya Online Live ang inaabangang primetime action series.
Kaya naman, hindi na maho-homesick ang mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa, dahil mananatili silang ‘together forever’ at konektado sa mga mahal sa buhay sa sabay-sabay na panonood ng minamahal na ABS-CBN shows.
Thru Kapamilya Online Live at iWant, mae-enjoy ang 24/7 online viewing saanman sa mundo.
Ilan sa mga napapanood dito ay ang Blood vs. Duty (BVD), The Alibi (TA), It’s Showtime (IS), at TV Patrol (TVP).
Kabilang din d’yan ang paboritong weekend game shows na Kapamilya, Deal or No Deal (KDOND) kasama si Luis Manzano at Everybody, Sing! (ES) kasama si Vice Ganda.
Napapanood ang Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YT, ang most-subscribed media and entertainment channel sa Southeast Asia na mayroong 54.8 milyong subscribers. Handog nito ang mas pinasayang libreng panonood ng kasalukuyang umeereng mga programa ng ABS-CBN pati na rin ang classic shows na maaaring i-replay.
Tumutok sa Kapamilya Online Live at mag-subscribe sa ABS-CBN Entertainment YT channel.





Comments