After 20 yrs… KATYA, NIYAYA NA NG KASAL NG BF
- BULGAR
- Jan 6, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 6, 2024

Engaged na si Katya Santos sa non-showbiz boyfriend na si Paolo Pilar.
Si Paolo ay nag-propose habang sila ay nasa holiday trip sa Japan.
Sa Instagram post ay ibinahagi ng guy ang ilang larawan mula sa special event nila ng girlfriend.
Suot-suot ang engagement ring nito kasama ang anak ni Katya na si Tala, sey ni Paolo sa caption, “20 years ago I met a wonderful woman named Katrina, in the beautiful island of Boracay.”
Ibinahagi rin nito na kasama nila ang kani-kanilang pamilya nang tanungin niya ang aktres sa tapat ng Mt. Fuji sa Lake Ashi, Hakone, Japan.
“Today in 2024, I finally asked her to be my wife with our families, friends, and the majestic Fuji-San as witnesses,” dagdag pa nito.
Nagpahayag din ang guy ng sweet message sa fiancée.
“I have loved you for 20 years and would continue to do so until my last breath. To forever, my Pungay!” saad nito.
Nagkomento naman ng congratulatory messages ang ilang celebrity friends ng dalawa.
“Congrats Pao & Katya,” sey ni Marvin Agustin.
“Wow congrats! So happy for both of you @paopilar @simplykatya,” banggit naman ng Viva Artists Agency Assistant Manager for TV Booking na si Mhit Canta Pimentel.
“Awww congratulations,” saad ng aktres na si Melissa Ricks.
Nagpahayag din ng pagbati ang kaibigan at kasama ni Katya sa Viva Hot Babes na si Maui Taylor, ang singer na si Karel Marquez, at aktres na si Chariz Solomon.





Comments