top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

After 11 yrs… SHOW NI MICHAEL V. SA SIYETE, BABU NA!

BULGAR
May 28, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 28, 2021




Labis na ikinagulat at ikinalungkot ng mga avid viewers ng Pepito Manaloto ang balitang pagtatapos ng nasabing sitcom na almost 11 years ding sinubaybayan ng publiko. Bukas ay mapapanood na ang final chapter at season ender ng Pepito Manaloto.


Pero, paglilinaw ni Michael V., hindi tuluyang mamamaalam sa ere ang family sitcom.

Magkakaroon lang ng season break at sa July 17 ay muling magbabalik ang Pepito Manaloto

throwback edition.


Dito ay babalikan ang mga unang chapter ng buhay ng mag-asawang Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) bago pa sila sinuwerteng yumaman.


Makikilala rin ng mga viewers ang mga characters na naging bahagi ng kanilang buhay.

Kahit throwback episodes ang ipapalabas ng PM, may partisipasyon pa rin sina Michael V. at Manilyn Reynes dahil sila ang magbo-voice over sa mga eksenang mangyayari.


Aminado si Bitoy na talagang nahirapan silang magteyping ng Pepito Manaloto nang dahil sa sitwasyon ngayong COVID pandemic. Kaya nagdesisyon ang production staff ng PM na mag-season break muna upang i-reassess ang mga bagay-bagay upang hindi tuluyang mamaalam ang PM.


Dapat sana ay nag-celebrate pa ang Pepito Manaloto ng 10th anniversary, pero hindi na nga nagawa dahil sa pandemya.


Anyway, ipinaaabot nina Michael V., Manilyn at ng buong cast ng PM ang kanilang pasasalamat sa lahat ng nanood at sumubaybay sa sitcom sa loob ng 10 taon.


Hindi sila tuluyang mamamaalam. Ilang araw lang na pahinga, “We will be back” ang pangako ng tropang Pepito Manaloto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page