Affected much sa pagsasara ng show… PAOLO, GUSTONG MAPAG-ISA, AYAW NANG MAY KAUSAP
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 10, 2024

Ayaw daw munang magbigay ng pahayag ni Paolo Contis hinggil sa pagsasara ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya kung saan ay isa nga siya sa main hosts.
Ayon kay Ogie Diaz, sa kanyang vlog ay tinanong daw niya ang aktor at sinabi raw nitong ayaw muna niyang makipag-usap at gusto munang mapag-isa.
“I asked Paolo Contis since malapit naman tayo sa batang ‘yan, hiningi niya na huwag ko muna siyang kausapin. Gusto raw muna niyang mapag-isa.. ‘Mare, pass muna ‘ko, papahinga lang ako…’ Sino ba naman tayo para kulitin ‘yung bata, ‘di ba?” tsika ni Ogie.
Obviously ay apektado si Paolo sa pagsasara ng show at matatandaan ngang laging binabanggit noon ng manager niyang si Lolit Solis na napakalaki ng naitutulong ng noontime show sa aktor at masayang-masaya raw ito sa pagho-host.
FUL!”





Comments