Adiwang at Catalan, nabigo kina Brooks at Silva sa ONE

ni MC - @Sports | November 26, 2021

Armbar sa first round habang arm triangle submission naman ang ikinabigo ng dalawang Pinoy na sumagupa sa ONE Championship™ (ONE) ONE: NEXTGEN III sa event na isinaere ng tape delay, Biyernes ng gabi na idinaos sa Singapore Indoor Stadium kung saan kinatampukan ang SuperSeries ng tatlong mixed martial arts maging ang pivotal showdown sa pagitan ng top strawweights.
Ginitla sa main event ni promotional newcomer Jarred Brooks si #5-ranked strawweight contender Lito Adiwang sa bisa ng arm triangle submission nang dominahin ang laban mula sa umpisa hanggang dulo.
Agad nai-takedown ni Brooks ang Pinoy gamit ang lakas ng double-leg sa first round. Sa 2nd round muling nagbigay ng takedowns ang Kano bago nagbigay ng arm trapped at naked choke kay Adiwang.
Napasuko naman ni dating ONE Strawweight World Champion at current #4-ranked strawweight contender Alex Silva si Pinoy veteran Rene Catalan sa bisa ng armbar sa first round.
Unang nagbigay ng takedown si Catalan 1st round pero nang sumablay sa submission ay nakabawi ang Brazilian sa ground.
Ginamit ng Jiu-jitsu black belt expert na si Silva ang perpektong posisyon para ma-armbar si Catalan at tapusin ang laban.
Samantala sa co-main event, umiskor naman ng stoppage victory si dating ONE Bantamweight Kickboxing World Champion Alaverdi Ramazanov nang magbalik sa Muay Thai at gapiin si Pongsiri PK.Saenchai Muaythaigym sa bisa ng uppercut sa pagtatapos ng 1st round.
Namayani naman sa Kickboxing - Flyweight si Panpayak Jitmuangnon kontra Daniel Puertas sa bisa ng Unanimous Decision victory.
Habang sa Mixed Martial Arts - Lightweight ay nahigitan ni Ruslan Emilbek Uulu sa lakas si Pieter Buist para dalhin sa Unanimous Decision victory ang bakbakan.
Nagwagi sa Kickboxing - Bantamweight si Felipe Lobo kontra Rodlek PK. Saenchai Muaythaigym sa pamamagitan din ng Unanimous Decision na panalo.





Comments