top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Adelaide 36ERS ni Kai ginapi ng Hawks

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | December 06, 2021




Ipinalasap ng Illawarra Hawks ang ikalawang pagkatalo sa koponan ni Filipino star center Kai Sotto na Adelaide 36ers, 81-71, sa National Basketball League sa larong ginanap sa Adelaide Entertainment Centre sa Australia.


Pinangunahan ni Duop Reath ang balanseng atake para sa Hawks sa itinarak na 18 points kasama ang dalawang triples, nine rebounds para sa season opening victory.


Umambag si Justinian Jessup ng 17 points, Tyler Harvey, 15 points, five boards, five assists, at five steals habang si Canadian import Xavier Rathan-Mayes ay may 15 points.


Nagpakawala ang Illawarra 13-0 atake para makuha ang 53-35 na kalamangan habang may natitira pang 6:12 sa third frame. Lumawig pa sa 19 points kalamangan, 79-60, sa natitirang 5:30 minuto sa game matapos ang pinakawalang three points ni Rathan-Mayes.

Nanguna naman para sa 36ers si Cameron Bairstow na may 15 points, nine rebounds, at four assists habang nalaglag sa 0-2 ang simula ng Adelaide ngayong season.


Tumulong si Humphries ng 13 points at four boards pero minus-27 ito sa naging pagkatalo. Kumamada rin si Mitch McCarron ng 12 points, five rebounds, at four assists samantalang si Daniel Johnson ay may 12 points, four boards, at two dimes.


Hindi pa rin pinaglalaro si Kai Sotto sa regular season dahil sa namamagang tuhod.


Hindi rin ito nakalaro sa kanyang debut game sa NBL. Medyo mapait na pagkatalo ito para sa 36ers na una nang kumuha sa Loggins-Bruton Cup matapos magkampeon sa NBL Blitz preseason games.


Susubukin ng Adelaide na maitipa ang una nilang panalo sa pagbiyahe nito papuntang MyState Bank Arena sa Huwebes para sabakan ang newcomer Tasmania JackJumpers.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page