top of page
Search
  • BULGAR

ABS-CBN, binantaang 'di na talaga pababalikin… ENCHONG, PUMALAG, P-DUTERTE TINALAKAN

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | February 10, 2021




Hanep din naman ang tapang at pagiging palaban nitong si Enchong Dee, 'no!


Hindi nga nagpaawat sa pagpalag at pagtalak itong si Enchong sa kanyang Twitter account dahil sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling speech nu'ng Lunes na kahit bigyan pa raw ng prangkisa ng Kongreso ang ABS-CBN ay hindi pa rin niya hahayaang makabalik-operasyon ang network hangga't hindi umano nagbabayad ng utang sa tax.


Sa kanyang Twitter account, ini-repost ni Enchong ang isang article ng sinabi ni P-Du30 at sa kanyang caption ay ganito ang mababasa: "And'yan ka pa rin?? Hoy gising! Ang daming Pilipino naghihirap ngayon, 'yun muna unahin natin... kahit wala kaming franchise nakakapagbigay-serbisyo kami."


Oh, ha? May point naman si Enchong, pero wait lang, ano kaya ang reaksiyon ng mga DDS sa kanyang naging resbak sa pangulo?


Hmmmm…

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page