top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Aatras ba ang 'Pinas sa 2021 SEAG Vietnam?

BULGAR
Mar 22, 2021
1 min read

ni MC - @Sports | March 22, 2021





Maaari umanong hindi na magpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.


Maaari umanong ‘di na tumuloy PH Team sa pagsali sa palaro kung patuloy na magiging malala ang sitwasyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na problema hindi lamang sa Southeast Asia maging sa buong mundo.


Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Mon Fernandez na siyang Chef de Mission ng Team Philippines sa SEA Games, pinag-aaralan na nila ang mga hakbang kung patuloy na lalala ang pandemic. “Personally, that’s really an option,” ani Fernandez.


Inihalintulad ni Fernandez ang sitwasyon sa Tokyo Olympics na nakatakdang ganapin sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 na nanganganib ding makansela dahil sa pandemya. “I think frankly that it’s not yet 100 percent sure if the Tokyo Olympics will push through. Anything is possible and we’ll cross the bridge when we get there and we’ll play it by ear,” ani Fernandez.


Ngunit umaasa si Fernandez na matutuloy ang Tokyo Olympics dahil ito ang edisyon na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas na makasikwat ng gintong medalya.


Anim na atletang Pinoy na ang kwalipikado sa Tokyo Olympics — at lahat ng ito ay may tsansang makapag-uwi ng medalya sa kani-kanyang events. Nangunguna na sa listahan si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics kasama sina EJ Obiena ng athletics, at Felix Eumir Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam ng boxing.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page