top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

94 Malasakit Centers, handang magbigay ng medical assistance 24/7!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 9, 2020
2 min read

ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | December 9, 2020



Patuloy tayong nag-iikot sa buong bansa para magsilbi at magbigay nang walang tigil na serbisyo. Lalo na ngayong may pandemyang patuloy na nilalabanan, mas kailangan ng mga apektadong kababayan natin ang agarang aksiyon at solusyon.


Kung kaya’t ang ating opisina ay patuloy sa pagbibigay-suporta sa mga komunidad na nasalanta ng mga nagdaang kalamidad. Bukod sa tulong sa Bicol, Cagayan Valley at CALABARZON regions noong nakaraang mga buwan, nitong simula ng Disyembre lamang ay namigay kami ng tulong sa iba’t ibang lugar tulad ng Marikina City; Iriga City sa Camarines Sur; at sa mga bayan ng Tanay at Rodriguez sa Rizal. Kahapon lamang, personal ko namang binisita ang mga kababayan natin sa Baliuag, Sta. Maria at Guiguinto sa Bulacan.


Tumulong din tayo sa mga market vendors dahil malubhang tinamaan ang kanilang kabuhayan. Nakapaghatid tayo ng tulong sa mga market vendors sa Mandaue City; Caloocan City; San Fernando City sa La Union; at Iloilo City.


Maging ang mga transport sectors dahil mahina pa rin ang kanilang kita dahil sa limitadong pamamasada. Nabigyan natin ng tulong ang mga tricycle drivers sa Quezon City, mga jeepney drivers naman sa Caloocan City, at boat operators sa Moalboal, Cebu.

Nabigyan din ng tulong ang mga dating rebelde na nagbalik-loob sa Valencia City, Bukidnon upang makapagsimula sila muli at makatulong sa kanilang mga komunidad.


Sa mga pagtitipong ito, sinigurado nating nasusunod ang mga patakaran ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Namigay tayo ng mga financial assistance, mask, face shield at vitamins bilang tulong at dagdag-proteksiyon kontra sa sakit. Binigyan din ang ilang mga benepisaryo ng bisikleta para sa kanilang pagpasok sa trabaho at computer tablets para magamit ng kanilang anak sa pag-aaral sa ilalim ng blended learning na ipinatutupad ngayon.


Ang mga ahensiya rin tulad ng DSWD, DTI, DA, at iba pa ay nagbibigay-ayuda base sa mga programa nila. Ang National Housing Authority ay patuloy ding tumutulong para magkaroon muli ng maayos na matitirhan ang mga nawalan ng bahay.


Walang tigil ang serbisyo para sa kapwa nating Pilipino. Tulad ng palagi kong sinasabi, bisyo ko ang magserbisyo!


Samantala, noong Sabado, nabigyan tayo ng pagkakataon na dumalo sa pagbukas ng bagong state-of-the-art Mindanao Media Hub ng Presidential Communications and Operations Office sa Davao City. Kasama sa inagurasyon na ito ang unang broadcast ng People Television Network sa sinasabing Hub.


Sa panahon ng COVID-19, mahalagang maabot ng pamahalaan ang bawat mamamayan para mabigyan nang tamang impormasyon. Kung kaya’t nirekomenda nating magbukas ng Media Hub sa Visayas.


At kung darating na ang mga bakunang certified na safe at effective, uunahin ang mahihirap at vulnerable sectors, kasama na ang mga frontliners natin tulad ng mga medical workers, teachers at uniformed personnel. Palaging handa ang 94 Malasakit Centers upang magbigay ng medical assistance, lalo na sa mga mahihirap na pasyente.


Magbayanihan tayo. Sa tulong at kooperasyon ninyo, malampasan natin ang mga pagsubok na ating hinaharap at makababangon tayong muli bilang nagkakaisa at mas matatag na bansa.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page