91 baril ni Bato Dela Rosa, hindi pa naibabalik sa PNP

by BRT @News | October 5, 2026

Photo: File / Senator Ronald Bato Dela Rosa
Hindi pa naibabalik sa Philippine National Police (PNP) ang 91 sa kabuuang 117 baril na nakarehistro sa pangalan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Police Maj. Gen. Aden Lagradante ng Civil Security Group, 26 pa lamang ang na-turn over matapos bawiin ang gun licenses at registrations ni Dela Rosa.
“Not yet, we still have 91,” ani Lagradante noong Lunes, Oktubre 5.
Binigyang-diin naman ng opisyal na dapat isuko ang mga baril matapos ang revocation order, pero patuloy pa rin ang pag-a-account sa mga natitirang armas.
Iniugnay ang revocation sa arrest warrant laban kay Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC).





Comments