88 foreclosed properties for sale – SSS
- BULGAR
- Nov 6, 2021
- 3 min read
ni Fely Ng - @Bulgarific | November 6, 2021

Hello, Bulgarians! Ibinebenta ngayon ng Social Security System (SSS) ang mga naremata nitong ari-arian kung saan ang mga miyembro ay makakakuha ng pabahay na abot-kaya at may flexible payment terms.
May kabuuang 88 na foreclosed property ang matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: 10 property sa National Capital Region (NCR), 40 sa Central Luzon, 5 sa Southern Luzon, 4 sa Central at Western Visayas, at 29 sa Northern at Southern Mindanao.
“For an ordinary worker, buying and owning a house is every Filipinos’ ultimate dream. SSS is here to offer affordable yet decent housing for our members through this special program called Housing and Acquired Assets (HAA). These properties are mostly basic structures which are still subject for improvement or repairs. Members can now call their new property as their investment,” pahayag ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.
Sa mga interesadong miyembro, maaaring bumisita sa link na ito para sa listahan ng SSS Housing Acquired Assets na available for sale bit.ly/3kUrJD0.
Upang maging kuwalipikado para sa programa, dapat matugunan ng mamimili ang mga sumusunod na kinakailangan:
Filipino citizen na nasa legal na edad;
Hindi bababa sa 18 taong gulang, ngunit hindi hihigit sa 65 taong gulang sa kapanahunan ng installment sale;
SSS member o non-member, employed o self-employed individual, informal sector worker o Overseas Filipino Worker (OFW);
Kahit sino (natural o juridical) pinahintulutan ng batas na kumuha, magmay-ari o humawak ng mga ari-arian sa Pilipinas; at
Kung dating owner/successor-in-interest (legal na asawa, anak, at mga magulang) at sa kasalukuyan legal na nakatira sa ari-arian. Dapat silang magkaroon ng valid lease contract sa SSS at updated sa pagbabayad ng monthly rent o willing to capitalize back rentals kung binili thru installment maaari ring bumili ng properties.
Ang HAA ay ibinebenta “AS-IS, WHERE-IS” basis kung saan ang presyo ng pagbebenta ay ibabatay sa patas na maket value o book value ng ari-arian alinman ang mas mataas.
Ang paraan ng pagbabayad ay sa pamamagitan ng cash o installment basis. Ang mga interesadong availees na bibili o muling bibili ay dapat magpaunang bayad ng cash o manager’s check sa halagang hindi bababa sa limang porsiyento ng selling price para sa HAAs na hanggang P 500,000; o 10 porsiyento ng presyo ng pagbebenta para sa HAAs na mahigit P 500,000.
Kung mas gusto ng buyer ang cash sale, ang balanse ng selling price ay dapat mabayaran nang buo sa loob ng 30-araw pagkatapos matanggap ang notice of approval of the cash sale. Ang 10-porsiyentong diskuwento ng market value ay ibibigay din sa buyer kung pinili nila ang cash sale.
Sa kabilang banda, kung pipiliin ng mamimili ang installment sale, dapat bayaran ng miyembro ang balanse sa loob ng maximum na termino na 10-taon, o ang kulang sa pagitan ng 65-taon na edad nila sa petsa ng pagsusumite ng mga kinakailangan, alinman ang mas mababa. Ang installment sale ay sasailalim sa interest rate na 6 porsiyento kada taon para sa isang termino ng pagbabayad na 1 hanggang 5 taon; 7.5% kada taon para sa termino ng pagbabayad na 6 hanggang 10 taon. Dagdag pa rito, sa pag-apruba ng installment sale ng mamimili ay kinakailangang mag-isyu ng 12 post-dated check (PDC) na sumasaklaw sa unang taon ng mga pagbabayad sa amortization at 12 PDC bawat taon pagkatapos noon hanggang sa ganap na mabayaran. Gayunman, ang pagbabayad ng taunang premium ng Fire Insurance ay sasagutin ng mamimili.
Maaaring ma-access ang listahan ng mga kinakailangan sa pamamagitan ng link na ito https://bit.ly/2YW0Shs. Ang mga aplikante ay maaaring magsumite ng kanilang aplikasyon sa 12/F, Housing and Acquired Assets Management Department, SSS Building, Diliman, Quezon City at mga regional offices sa Baguio, Tarlac, San Pablo, Naga, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro, Davao, at Zamboanga.
Para sa tamang impormasyon at update sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System”, Instagram sa “mysssph”, Twitter at “PHLSSS”, sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates”, o bisitahin ang uSSSapTayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.





Comments