84% ng mga Pinoy, nabiktima... P121.8B nawala sa digital scams

by Mervin Reyes @News | November 11, 2026

Photo: Grade 8 student nahulihan ng baril sa paaralan sa Sultan Kudarat - PNP
Tinatayang P121.8 bilyon ang nawalang pera ng mga Pilipino dahil sa iba’t ibang uri ng digital scams sa nakalipas na taon, batay sa 2026 State of Scams Philippines Report ng Global Anti-Scam Alliance (GASA), kasama ang Mastercard at Gogolook.
Iniulat din na tumaas sa 84 porsiyento ang mga adult ang nakaranas ng scam, mula sa 77% noong nakaraang taon. Samantala, umakyat naman mula 34 tungong 73 porsiyento ang paggamit ng e-wallets sa paglilipat ng nakaw na pera.
Dahil dito, nagbabala ang Coins.ph laban sa mga scam na tumatarget sa mga gumagamit ng digital financial services.
Kabilang sa mga karaniwang modus ang phishing, pagpapanggap bilang ibang tao o organisasyon, pekeng customer support, mapanlinlang na investment offers, at mga pekeng trabaho na nangangailangan ng paunang deposito.





Comments