top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | Feb. 22, 2025



Source: PAOCC


Inaresto ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang 465 na Pilipino at dayuhang manggagawa ng isang POGO hub sa harap ng Parañaque Integrated Terminal Exchange sa Parañaque City nitong Biyernes ng madaling-araw.


Sa nabanggit na bilang, 300 ay mga Pilipino, 137 ay mga Chinese, tatlong Vietnamese, dalawang Thai, dalawang Malaysian, isang Indonesian at isang Taiwanese.


Ayon sa PAOCC, ang sinalakay na POGO hub ay nag-o-operate bilang investment scam, love scam, at sport betting scam.



Limang Chinese na pinaniniwalaang mga opisyal ng POGO hub ang naaresto at sumasailalim sa imbestigasyon.


Libo-libong cellphones at daan-daang computers ang nakuha ng PAOCC sa ginawang raid katuwang ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), Bureau of Immigration, Southern Police District at Armed Forces of the Philippines.


Ayon kay PAOCC Spokesman Dr. Winston Casio, hindi inalis ang posibilidad na may malakas na kapit na opisyal ng gobyerno ang mga nagpapatakbo sa scam hub dahil malakas ang loob na mag-operate sa kabila ng bawal na ang lahat ng POGO  operations sa bansa.


Sinabi ng opisyal na hindi lamang mga dayuhang naaresto ang kakasuhan kundi pati na rin ang mga Pilipinong kasabwat ng mga ito na kasama rin sa mga hinuli ng raiding teams.

 
 

ni BRT | February 12, 2023



ree

Naglabas na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena laban sa actor at TV host na si Luis Manzano kaugnay ng mga reklamo sa umano’y investment scam sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Nauna nang itinanggi ng aktor ang mga bintang na kasama siya sa mga nagpatakbo ng kumpanya.

Gayunman, ayon sa isa sa mga nagrereklamo, “Pumasok po sa aming Zoom meeting si Luis Manzano at nagpakilalang owner at chairman ng Flex Fuel. Ito raw po ay isang lifetime business, pandemic business kaya po napakaganda po. Ako po ay nag-loan sa bangko upang mapadala po sa Flex Fuel para po sa investment. At ng April 22, 2022, makalipas ang anim na buwan, wala pa rin po silang natatayo na gasoline station. Kahit isa”.

Nitong Biyernes, dinala ng ilang miyembro ng NBI ang subpoena sa bahay ng aktor sa Taguig City.

Nasa 40 investors kabilang ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) ang nagsampa ng reklamong estafa laban kay Manzano at iba pang personalidad dahil sa investment scam.

Sa panayam sa isa pang investor at complainant na si Jinky Sta. Isabel, papayag umano silang iurong ang reklamo kung maibabalik ang ipinasok nilang pera sa kumpanya.


“Ibalik niya ang pera namin. Kahit principal, ‘yung buong pera lang namin na dineposit sa account niya. Kahit wala na ‘yung kinita, wala na ‘yung interes. Hindi na kami magsasampa ng kaso,” aniya.

Nauna nang itinanggi ng Flex Fuel ang mga alegasyon at iginiit na hindi sila sangkot sa anumang investment scam. Anila, naapektuhan ang kanilang negosyo ng external factors na hindi nila kontrolado kabilang na ang COVID-19 pandemic.

Una na ring sinabi ng aktor na nawalan din siya ng pera sa investment na aabot sa P66 milyon.


 
 

ni Zel Fernandez | May 4, 2022


ree

Kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendehin ang operasyon ng online sabong, mahigpit nitong pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat umano sa paggamit ng financial app na GCash.


Ang inilabas na babala ng gobyerno ay may kaugnayan sa tuluyang pag-block o pagsara umano ng naturang kumpanya sa nasa 900,000 accounts na hinihinalang nagagamit umano sa mga online scams at iba pang fraudulent transactions sa bansa.


Paliwanag ni GCash President at Chief Executive Officer Martha Sazon, ang naturang hakbang ay naisagawa umano ng kanilang kumpanya sa loob ng unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), katuwang ang Philippine National Police (PNP).


Giit ng GCash president, layunin ng hakbang na ito na maprotektahan ang kanilang mga kliyente laban sa talamak na panloloko o scam, gamit ang kanilang online app.


Gayundin, sinabi ni Sazon na kaakibat ng pagpapalakas ng kanilang security system, muli nilang paalala sa publiko na maging maingat at mapagmatyag sa mga online transactions gamit ang GCash app.


Bukod pa rito, mahigpit nitong ipinagbabawal ang pagbibigay o pagbabahagi ng One Time Pin (OTP) sa sinumang kahina-hinala ang istilo ng pakikipagtransaksiyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page