Mag-ina na-trap sa sunog, patay

by Mai Ancheta @News | November 11, 2026

Photo: Brgy. Tabunok, Talisay City - Circulated
Patay ang isang 62-anyos na ina at 21-anyos na anak na babae makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Tabunok, Talisay City nitong Martes ng madaling-araw, November 10.
Batay sa imbestigasyon, alas-3 ng madaling-araw nang makita ng ilang kapitbahay ang malakas na apoy sa bahay ng mga biktima. Tinawag pa umano nang ilang beses ang mga ito subalit walang lumabas hanggang sa tuluyang lamunin ng apoy ang buong bahay ng mag-ina.
Inaalam pa ang sanhi ng insidente.





Comments