top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe

Grade 8 nagdala ng baril sa iskul, buking

Writer: BULGAR
BULGAR
10 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 11, 2026



Grade 8 student nahulihan ng baril sa paaralan sa Sultan Kudarat - PNP

Photo: Grade 8 student nahulihan ng baril sa paaralan sa Sultan Kudarat - PNP



Nakumpiska ang isang baril mula sa isang Grade 8 student habang nasa loob ng paaralan ng President Quirino sa Sultan Kudarat nitong Lunes ng umaga, Nobyembre 9.

Ayon sa pulisya, isang 9mm pistol na may walong bala ang natagpuan sa loob ng bag ng estudyante na 13-anyos.


Narekober ang baril at mga bala matapos na kusang buksan ng menor-de-edad ang kanyang bag sa isinagawang inspeksyon sa guardhouse ng paaralan.


Dinala ang estudyante sa President Quirino Municipal Police Station, kasama ang kanyang mga magulang.


Ini-refer din siya sa Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa angkop na interbensyon alinsunod sa batas at mga pamamaraan sa pangangalaga sa mga bata.


“Ang insidenteng ito ay paalala na ang pagiging mapagmatyag at pagsasagawa ng mga makatwirang pag-iingat ay maaaring magkaroon ng malaking epekto,” ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa isang pahayag nitong Martes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page