84 na, palaban pa rin! ERAP, NAGRE-RECOVER NA SA COVID, NAKAPAG-B-DAY ULI
- BULGAR
- Apr 22, 2021
- 2 min read
Julie Bonifacio - @Winner | April 22, 2021

Natuwa ang family and mga supporters ni former President and Manila Mayor Joseph Estrada na nagawa pa rin niyang i-celebrate ang kanyang birthday last Monday, April 19.
Ilang linggo bago ang kanyang kaarawan ay isinugod si ex-Pres. Erap sa ospital. Siyempre, marami ang nag-alala na baka ‘di na sapitin ni Pres. Erap ang kanyang 84th birthday this year.
Mabuti na lang at nakatutok sa pagbabantay ang panganay ni Pres. Erap na si former Senator Jinggoy Estrada at masusing inalam kung ano ang mas makakabuti sa ama para sa mabilis nitong paggaling.
May mga paniniwala pa naman ang ibang Pinoy na kapag nalalapit na ang birthday ng isang tao, malapit daw sa disgrasya.
At kahit si Sen. Jinggoy lang ang nakikitang kasama ni Pres. Erap sa loob ng kanyang hospital bed, nagawa pa ring batiin at pasayahin ng kanyang mga anak at apo ang dating mayor ng Manila.
Laking-saya ni Sen. Jinggoy na nakalabas ng ICU (Intensive Care Unit) ang kanyang ama bago sumapit ang birthday nito.
Last week, pagkatapos gumanda ang pakiramdam ni Pres. Erap ay muli siyang ibinalik sa ICU after his physicians found a superimposed bacterial lung infection.
On April 13, Estrada already tested negative for COVID-19. At nu’ng Lunes, nag-post sa kanyang Facebook account si Sen. Jinggoy ng update sa lagay ng kanyang ama.
“My father has been wheeled back to a regular room yesterday and continues to improve steadily. He has no fever and his oxygen need is lower,” paunang mensahe ni Sen. Jinggoy sa kanyang FB post.
Sinimulan na raw ng mga doktor ang pulmonary rehabilitation kay Pres. Erap para mapabilis ang pag-recover ng kanyang baga.
“Studies have shown that this is one of the longer-lasting problems that COVID patients experience. We hope that the rest of his recovery is uneventful and we ask that you join us in praying for him.”
Anyway, kani-kanyang post ng pagbati naman ang iba pang mga anak ni Pres. Erap gaya nina Jerika Ejercito-Aguilar at Jake Ejercito.
Say ni Jerika, “Happy birthday to my first love. Can’t wait to sing our favourite song, dad. Let’s celebrate as soon as you’re home.”
Habang tinitipa namin ang aming kolum, ipinost ni Jerika ang picture ng kanyang apat na anak na lalaki sa hubby niyang si Miguel Aguilar Garcia na hawak ang ultrasound result ng kanilang baby number five.
“Our kuyas eagerly waiting for the 7th member of our tribe (except for Moses, who is still not ready to give up his “bunso” title). We had our pre-natal checkup today. Everything is good, baby is growing and kicking.”
Last na raw nila ni Miguel ang ipinagbubuntis niya ngayon.
Madamdamin din ang naging mensahe ni Jake sa magkahiwalay na piktyur nila ng anak na si Ellie with Pres. Erap.
Caption ni Jake, “Happy, happy birthday, Dad!! We look forward to sharing many, many more moments like these with you. Can’t wait to have you back home! We love you!”





Comments