top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

8 yrs. nang nagsasama, game nang magkaanak… ICE AT LIZA, MAY SPERM DONOR NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | March 8, 2021





Nag-celebrate ng 8th anniversary ang showbiz couple na sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño at Ice Seguerra.


Nalampasan na nila ang tinatawag na 7-year itch kaya tiyak na masaya at smooth-sailing na ang mga susunod pang taon ng kanilang pagsasama.


At dahil wala namang gaanong activities ang FDCP dahil sa COVID pandemic at hindi na rin gaanong busy si Chair Liza, pupuwede na nilang pag-usapan-planuhin ang kanilang baby project na naisantabi.


Parehong pangarap nina Ice at Chair Diño ang magkaroon ng sariling anak. May sperm donor na rin silang nahanap pero mahabang proseso pa rin ang pagdaraanan at malaking halaga ang kakailanganin.


Through the years ay naging matatag ang relasyong Liza at Ice. Kahit marami silang pinagdaanang pagsubok, hindi sila bumitaw sa isa’t isa.


Super thankful si Ice kay Liza dahil dinamayan siya nito sa panahon na madilim ang kanyang mundo at inaatake siya ng matinding depression.


Si Liza ang nagsilbing lakas at liwanag na kanyang nakapitan kaya naman super sweet ang anniversary message niya sa kanyang lady love na tumayong kanyang BFF, critic, number one fan, best wife at lover.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page