top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

8 dapat ang kanta, naging 3 na lang… SB19 PABLO, MAY SAKIT, NANGINIG ANG KAMAY SA OPM CON 2026

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 14, 2026



SHEET - SB19 PABLO, MAY SAKIT, NANGINIG ANG KAMAY SA OPM CON 2026-IG _imszmc_ & SB19-Reggee Bonoan

Photo: IG _imszmc_ & SB19-Reggee Bonoan



Sa katatapos na Puregold OPM Con Generations 2026 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado, Hulyo 11, expected na naming maraming taong manonood dahil sadyang inaabangan ito ng mga loyal customers ng nasabing major retail chain ng supermarket at hypermarket.


Pero hindi namin inasahan na halos magkapalit na ng mukha ang mga nasa loob ng coliseum dahil mula Patron hanggang General Admission ay punumpuno ng tao ang bawat seksiyon. 


Maging ang mga hagdanan ay halos hindi na madaanan dahil maraming nakaupo, kaya ang simpleng pagpunta sa banyo ay naging isang matinding pagsubok bago pa man makabalik ang mga tagahanga sa kanilang mga upuan.


Sabi nga ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club, Inc., “The Big Dome has long been a home to some of OPM’s most iconic acts and unforgettable performances, and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will always be proud of.



IG _imszmc_ & SB19-Reggee Bonoan


“OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and everyone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM.”


Samantala, halos lahat naman ng performers sa Puregold OPM Con Generations 2026 ay magagaling, lalo na ang surprise artists na ka-collab ng bawat singer. 


Pero ang sadyang hinihintay ng lahat ay ang SB19 na talagang nakakabingi ang mga hiyawan, tilian at palakpakan nang tawagin na sina Pablo, Josh, Ken/Felip, Justin at Stell.

Bigay-todo ang hataw ng grupo sa pasakalye bago ang first production number nila at saka inianunsiyo na tatlong kanta lang ang kakantahin nila kaya may mga nagsabing “Oohh, bakit?”


Ang narinig kasi namin, walong kanta ang dapat sanang kakantahin ng SB19 tulad ng iba na inabot ng 30 hanggang 45 minutong performances. 


Nalaman naming overtime na dahil ilang minuto na lang at alas-dose na nang hatinggabi gayung nagsimula ang programa ng 6:00 PM.


“Overtime” na raw kasi kaya iniksian ang SB19 kaya maraming nabitin. Pero bigay-todo naman ang grupo kaya natuwa ang lahat ng mga supporters nila at higit sa lahat ay busog ang tenga at mata ng lahat nang kantahin nila ang Tatsulok bilang hudyat na si Bamboo ang ka-collab nila at sabay litaw sa stage sa pamamagitan ng hydraulics.


Pero may nagsabi na kaya iniksian ang production number ng SB19 ay dahil may sakit si Pablo. May naglabas pa ng video na nanginginig nga ang kanang kamay ni Pinuno (tawag sa kanya) at seryoso siya noong gabi. 


Nang magkasama sila ni Stell sa entablado ay kinakausap siya kung okay na siya at tumatango naman ang una.


Sa ikatlong taon ng music festival ng Puregold ay super-successful pa rin ito simula nang magsimula sila. Ang nababago ay padagdag nang padagdag ang kanilang ambassadors na ang bagong pasok ay ang Alamat, XONARA at Ben&Ben. Kabilang na sila sa SB19, Flow G, Sunkissed Lola, G22, KAIA at Skusta Clee.


At ang surprise sa lahat ng nanood sa Big Dome ay umuwing may bitbit na groceries kaya naman ang saya-saya nila at looking forward na sa OPM Con 2027.





BLIND ITEM:

“MAY magtitiwala pa kaya sa kanila?” ang tanong sa amin ng bossing na gumagawa ng pelikula.


Tsinugi na pala ang mga taong pinagkatiwalaan ng producer na humawak ng projects niya sa loob ng maraming taon.


Ang kuwento sa amin, “Nagtataka si (producer) bakit ang laki ng mga binabayaran sa mga tao, eh, ang alam n’ya, ‘di ganu’n, kaya ipina-check n’ya sa staff n’ya at nalaman na malalaki ang patong kaya nagduda na. Pinaimbestigahan na ang buong grupo.


“Then, nalaman na halos ang buong grupong ‘yun ay may mga magagandang bahay, magagandang sasakyan, may mga negosyo. Nagbago talaga ang lifestyle, as in ‘di naman ‘to kayang i-sustain kung aasa sa suweldo kahit pa sabihing araw-araw ang shooting.”


Hirit namin na baka naman masinop kaya nakapag-ipon at bilang reward sa sarili ay nag-invest sila para sa kanilang future.


“Hindi, eh, kasi ‘yung ibang kasama, ‘di naman ganu’n, kumbaga, pili lang sila,” katwiran sa amin.


May nabanggit pa na isa pang dahilan kung bakit nagduda ang producer. Nagbago na raw ang mga ugali at feeling boss na kung makaasta ang ilan sa grupo, na hindi naman daw ganoon dati. Ayaw na ayaw pa naman ng producer ng mayayabang at feelingero’t feelingera.


“Ang nakakagulat, isa sa grupo ang kumanta kaya lalong natukoy. At ‘yun na nga ang sinabi ng producer, na ayaw na n’yang makita ang mga pagmumukha ng grupo kaya lahat sila, wala na,” tsika pa sa amin.


Kaya pala maraming bagong mukha sa staff ng producer at sobrang higpit daw ngayon ng taong nangangasiwa ng budget nito.


Binanggit namin na maraming katsikahang producers ang mga taong tinanggal.

Sey pa ng source, “Eh, mabilis kumalat ang tsismis. I’m sure, alam na rin nila. May magtitiwala pa kaya sa kanila?”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page