top of page

78 kaso ng leptospirosis sa NKTI, naitala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | December 1, 2020




Umabot sa 78 pasyente ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ngayong Martes.


Agad na pinayuhan ni Dr. Rose Marie Liquete na bumisita agad sa clinic o ospital ang sinumang makararanas ng ilang sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panginginig, muscle pain, pagsusuka, paninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pagtatae at rashes. Ito ay upang makakuha agad ng prophylaxis na dapat inumin sa loob ng 24 hanggang 72 oras at maagapan ang sakit.


Kung hindi ito maaagapan agad, maaari itong humantong sa acute kidney o liver failure at maging respiratory failure.


Dagdag ni Dr. Liquete, upang maiwasan ang leptospirosis, kinakailangan na huwag magbabad sa maruming tubig at linisin at itapon sa tamang tapunan ang mga basura. Aniya, “Environmental ang importanteng prevention.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page