top of page
Search

ni Lolet Abania | January 4, 2022



Inanunsiyo ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ngayong Martes na isasara nila ang kanilang outpatient services simula Enero 7 hanggang sa susunod pang abiso.


Gayunman, tiniyak ng NKTI sa mga pasyente na lahat ng konsultasyon sa mga nasabing panahon ay gagawin na lamang telehealth services.


Subalit ayon sa pamunuan ng ospital, ang mga private outpatient clinics ay ipapaubaya nila sa diskresiyon ng kanilang mga doktor.


“Private patients are advised to coordinate with their respective doctors regarding their scheduled appointments,” pahayag ng NKTI sa isang advisory.


“For SERVICE PATIENTS, you may call our Outpatient Services (OPS) at 89810300 local 1123/1122/1194 for further inquiries,” dagdag pa nito.


Una nang nag-abiso ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Manila, at Ospital ng Malabon na pansamantala nilang itinigil ang pag-admit ng mga pasyente dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 mula sa mga empleyado ng ospital at personnel.

 
 

ni Lolet Abania | August 08, 2021



Idineklara ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City na ang kanilang COVID-19 unit ay puno na o nasa full capacity.


Sa isang statement na inilabas ng NKTI, ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 patients at leptospirosis cases ang naging dahilan kaya umabot sila sa ganitong sitwasyon. “Right now, we are in full capacity of our COVID-19 in hospital beds and the five tents with more than 50 patients at the ER (emergency room), our capacity at the ER and the units will significantly decrease,” ayon sa nakasaad sa statement. Umapela na rin ang NKTI sa Department of Health na bigyan sila ng karagdagang workforce dahil sa ang kanilang health care workers ay kinakapos na rin.


“We then ask from the Department of Health for staff augmentation. Our surgeries are confined only to those which have been scheduled in the next two weeks and for patients who are already in the hospital,” pahayag pa ng NKTI. At dahil sa naantalang renovation ng kanilang emergency room at mga wards, minabuti ng pamunuan ng ospital na limitahan nila ang pag-admit sa emergency/urgent/renal cases ng kanilang ER.


Gayunman, ang mga non-urgent cases naman ay tinatanggap sa Jose Rodriguez Memorial Medical Center, Philippine General Hospital, National Center for Mental Health at National Children's Hospital. “Other cases may have to be transferred to other hospitals,” dagdag pang pahayag. Binuksan na rin ng NKTI ang kanilang gym at nag-install ng dialysis machines para sa kanilang leptospirosis cases, kung saan dapat itong nakahiwalay sa mga pasyenteng may COVID-19.


Nagawa naman nilang i-convert ang kanilang Peritoneal Dialysis ward para gamutin ang mga suspected COVID-19 patients. Gayundin, ang Internal Medicine at Nephrology outpatient consults ng NKTI ay lilimitahan na rin nila simula sa Lunes, Agosto 9, 2021. Samantala, pagpasok ng 2021, binanggit ng DOH na ang mga kaso ng leptospirosis sa buong bansa ay tumaas ng 13%.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 1, 2020




Umabot sa 78 pasyente ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ngayong Martes.


Agad na pinayuhan ni Dr. Rose Marie Liquete na bumisita agad sa clinic o ospital ang sinumang makararanas ng ilang sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panginginig, muscle pain, pagsusuka, paninilaw ng balat at mata, pamumula ng mata, pagtatae at rashes. Ito ay upang makakuha agad ng prophylaxis na dapat inumin sa loob ng 24 hanggang 72 oras at maagapan ang sakit.


Kung hindi ito maaagapan agad, maaari itong humantong sa acute kidney o liver failure at maging respiratory failure.


Dagdag ni Dr. Liquete, upang maiwasan ang leptospirosis, kinakailangan na huwag magbabad sa maruming tubig at linisin at itapon sa tamang tapunan ang mga basura. Aniya, “Environmental ang importanteng prevention.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page