top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

7 yrs. nang magdyowa... GABBI AT KHALIL, NAPAG-UUSAPAN NA ANG KASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 15, 2024
1 min read

Updated: Mar 16, 2024

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 15, 2024




Seven years nang magkarelasyon sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. So far, wala silang major fights at smooth-sailing ang kanilang relationship dahil nagsilbing inspirasyon nila ang isa’t isa.


Walang puwang ang professional rivalry kina Gabbi at Khalil. Maging ang malalapit nilang kaibigan at fans ay sinusuportahan ang kanilang tandem in real life. At hindi nila kailangan na laging magsama at magkapareha sa mga projects na kanilang ginagawa.


Sa katunayan, inamin nila na naglalaan sila ng time para magkasama kahit busy sa kanilang career.


Ngayong seven years na silang magkasintahan, ine-expect ng mga fans and supporters nila na mauuwi sa kasalan ang lahat.


Aminado naman sina Gabbi at Khalil na pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagpapakasal. Pero, sa isang interbyu, sinabi nila na hindi sila nagmamadali at marami pa silang pangarap na gustong abutin since may mga commitments pa na dapat tapusin at ayusin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page