ni Eli San Miguel @Overseas News | Sep. 29, 2024
Naitala ang hindi bababa sa 66 na namatay sa Nepal mula noong maagang bahagi ng Biyernes dahil sa pagbaha at mga landslide mula sa tuloy-tuloy na pag-ulan.
Iniulat naman nitong Sabado na may karagdagang 69 na nawawala at 60 na nasugatan, ayon kay Dil Kumar Tamang, opisyal ng Ministry of Home Affairs.
Naganap ang karamihan ng pagkamatay sa Kathmandu valley, na tahanan ng 4 milyong tao, kung saan pinahinto ng pagbaha ang daloy ng trapiko. Daan-daang mga tao ang namamatay taun-taon sa panahon ng tag-ulan dahil sa mga landslide at biglang pagbaha.
Mula sa kalagitnaan ng Hunyo, hindi bababa sa 254 na tao ang namatay, kasama ang 65 na nawawala mula sa mga landslide, pagbaha, at mga pagtama ng kidlat.
Comments