top of page

Lumilipat ang mga mamimili sa nicotine pouches upang mabawasan ang pinsala ng paninigarilyo, ayon sa survey

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 43 minutes ago
  • 2 min read

ni Chit Luna @News | January 22, 2026


Nicotine pouches - Cleveland Health Clinic

Photo File: Cleveland Health Clinic



Isang pag-aaral mula sa Spain ang nakadiskubre na karamihan sa mga mamimili ay gumagamit ng nicotine pouches upang mabawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo.


Ang nicotine pouches ay mga produktong walang usok na naghahatid ng nicotine sa pamamagitan ng paglalagay ng maliit na pouch sa pagitan ng gilagid at itaas na labi. Wala itong dahon ng tabako at hindi nagbubunga ng usok o singaw.


Ang pag-aaral na “Regulation of Nicotine Pouches,” na isinulat ng Tholos Foundation katuwang ang international consultancy na Dynata, ay nakabatay sa datos mula sa isang survey na isinagawa noong Marso 2025 sa 515 aktibong gumagamit ng nicotine pouches.


Natuklasan sa survey na kung ipatutupad ang mga bagong regulasyon, isa sa tatlong mga respondent ang hahanap ng iligal na pinagmumulan, at isa pang ikatlo ang babalik sa paninigarilyo.


Sinusuportahan ng mga eksperto tulad ng psychiatrist na si Karl Fagerström ang nicotine pouches bilang mga kasangkapan sa harm reduction, na binibigyang-diin na ang nicotine na walang combustion ay may mas kaunting panganib. Itinuturo rin nila ang tagumpay ng Sweden sa pagpa-pababa ng smoking rates sa pamamagitan ng katulad na mga pamamaraan.


Tinanggap ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP) ang resulta ng survey, na ayon kay NCUP president Anton Israel ay “emphasize the potential public health impact of nicotine pouches, and the need for regulations that embrace a harm reduction approach instead of outright bans.”


Binigyang-diin ni Israel na pinatutunayan ng mga kinalabasan ng survey ang tobacco harm reduction (THR) framework, na umaasa sa mga produktong may mas mababang panganib, kabilang ang vapes, heated tobacco, at nicotine pouches, upang matugunan ang mga pinsalang dulot ng paninigarilyo.


Ayon kay Israel, ang smoke-free na disenyo ng mga produktong ito ay nag-aalis ng pagsusunog, kaya nababawasan ang pagkakalantad sa mga mapaminsalang compound kumpara sa paninigarilyo.


Binigyang-diin din niya na ang nicotine mismo ang hindi pangunahing sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo, na kadalasang nagmumula sa mga nakalalasong kemikal na nalilikha sa panahon ng combustion.


Binanggit niya na kahit ang UK’s National Health Service ay hayagang nagsasaad sa kanilang website na “while nicotine is a highly addictive drug, it does not contain toxic chemicals found in cigarettes, including tar and tobacco.”


Ayon sa NCUP, ipinapakita ng resulta ng Spanish survey ang lumalaking pagkilala sa nicotine pouches bilang mabisang kasangkapan sa pagtigil sa paninigarilyo.


Ipinunto ni Israel na nakamit ng Sweden ang pinakamababang smoking rate sa Europe sa tulong ng nicotine pouches at ng nauna rito, ang snus. Dagdag pa niya, ang Pilipinas kung saan ang mga pouches ay may regulasyon ay dapat isaalang-alang ang pag-aaral mula sa Spain bilang matibay na ebidensiya na ang mga alternatibo sa sigarilyo ay maaaring magpababa ng smoking prevalence.


Nagbabala rin siya na ang pagbabawal o labis na paghihigpit sa mga produktong ito ay maaaring magtulak sa mga mamimili patungo sa black market, kung saan walang umiiral na regulasyon at buwis.


“Consumers should be given a choice to choose products that are less harmful to their health,” aniya.


Tinukoy din ni Israel ang mga siyentipikong pag-aaral na nagpapakita na ang mga smoke-free na alternatibo ay naglalaman ng 95% na mas kaunting mapaminsalang kemikal kumpara sa usok ng sigarilyo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page