Trump, hinikayat ang mga taga-Iran na patuloy na magprotesta
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Info @World News | January 14, 2026

Photo: Donald Trump - FB
‘KEEP PROTESTING’
Ito ang panghihikayat ni United States (US) President Donald Trump sa mga raliyista sa Iran para ituluy-tuloy lamang nila ang protesta laban sa kanilang gobyerno na inabot na ng tatlong linggo dahil sa lugmok na ekonomiya ng nasabing bansa.
Kinansela na rin umano niya ang lahat ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Iran hangga’t hindi natitigil ang pagpatay sa mga raliyista sanhi ng marahas na tugon ng kanilang gobyerno.
Tiniyak din ni Trump na paparating na ang tulong para sa mga ‘Iranian patriots’ pero tumanggi itong magpaliwanag tungkol dito.
“Take over your institutions. Help is on the way,” ayon kay Trump.








Comments