Death penalty, hiniling para sa ex-president ng South Korea
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @World News | January 14, 2026

Photo: South Korean Ex Pres Yoon Suk-Yeol - BBC
Hiniling ng special prosecutor ng South Korea na patawan ng death penalty ang pinatalsik na dating pangulo ng nasabing bansa na si Yoon Suk-yeol kasabay ng kanyang mga insurrection case dahil sa pagdedeklara ng martial law noong 2024.
Ayon sa Seoul Central District Court, kinumpirma ng kanilang mga imbestigador na nagpakana umano si Yoon at ang dati nitong defense minister na si Kim Yong-hyun ng isang scheme upang mapanatili ang pinatalsik na pangulo sa kapangyarihan na sumira umano sa liberal democratic constitutional order ng kanilang bansa.
“The defendant has not sincerely regretted the crime… or apologized properly to the people,” ayon sa argumento ng prosecutors.
Nakatakdang magdesisyon ang South Korean court sa susunod na buwan.








Comments