66 ang aktor at 51 ang aktres… EDU, KUMANTANG MAGDYOWA NA SILA NI CHERRY PIE
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 20, 2021

Wow! Mukhang in love talaga ngayon sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa isa't isa, ha?
Na-happy naman kami sa balitang inamin ni dating OMB Chairman Doods kay Ms. Cheryl Cosim ng TV5 na talagang magdyowa na sila ng co-star at gumaganap na asawa niya sa Marry Me, Marry You TV series na si Ms. Pie.
Kung kilala nga namin ang daddy ni Luis Manzano, lagi itong mailap sa mga interviews 'pag love life ang usapan at wala kaming matandaang umamin ito — not even once — sa mga nali-link sa kanya sa showbiz, kahit nu'ng panahong naging GF nito si Pinky Webb.
So, kung tama kami, si Cherry Pie ang unang taga-showbiz na inamin niyang dyowa niya.
(Ewan lang noon kina Ms. Vilma Santos at Maricel Soriano, ha? Bata pa kami noon, eh! Char!)
At ang mas nakaka-happy pa, mukhang natagpuan nila ang… hopefully ay 'the one' na nga nila ang isa't isa… at the age of 66 si Edu at 51 naman si Pie.
Oh, devah, ang saya-saya?!
At sa mga Marites na nagsasabing never nang magpapakasal uli ang daddy ni Luis, hoooy, 'wag kayong judgmental! Tingnan n'yo sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, nauwi sa kasalan. Kaya why not naman sina Edu at Pie?!
Naku, exciting naman 'yan! Naging instant faney tuloy kami ng love team nila, oh! Hahaha!





Comments