60-days ang itinatagal ng aplikasyon ng mga kooperatiba
- BULGAR
- Dec 4, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 04, 2021
Dear Chief Acosta,
Nagnanais sana kaming magtayo ng kooperatiba kung kaya’t nagsumite kami ng aplikasyon sa Cooperative Development Authority (CDA). Gaano katagal bago namin matanggap ang resulta ng aming aplikasyon? – Loren
Dear Loren,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Article 16 ng Republic Act No. 9520, na mas kilala bilang “Philippine Cooperative Code of 2008”, kung saan nakasaad:
“ART. 16. Registration. – A cooperative formed and organized under this Code acquires juridical personality from the date the Authority issues a certificate of registration under its official seal. All applications for registration shall be finally disposed of by the Authority within a period of sixty (60) days from the filing thereof, otherwise the application is deemed approved, unless the cause of the delay is attributable to the applicant:
Provided, That in case of a denial of the application for registration, an appeal shall lie with the Office of the President within ninety (90) days from receipt of notice of such denial: Provided, further, That failure of the Office of the President to act on the appeal within ninety (90) days from the filing thereof shall mean approval of said application.”
(Binigyang-diin)
Ibig sabihin, ang mga kooperatiba ay nagkakaroon ng juridical personality mula ng paggawad ng Cooperative Development Authority (CDA) ng certificate of registration na may kaakibat na official seal. Lahat ng aplikasyon para sa rehistrasyon ay nararapat resolbahin ng CDA sa loob ng 60-araw mula nang maisumite ang aplikasyong ito. Kung hindi ito maresolba sa loob ng nasabing panahon, maaaring maituring na naaprubahan ang aplikasyon, maliban na lamang kung ang pagkaantala ay dahil sa kagagawan ng aplikante nito. Sa inyong sitwasyon, mayroong 60-araw ang CDA upang maresolba ang inyong aplikasyon upang marehistro bilang kooperatiba. Kung hindi ito maresolba sa loob ng nasabing panahon, maaaring maituring na naaprubahan ang inyong aplikasyon, maliban na lamang kung ang pagkaantala ay dahil sa inyong kagagawan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments