6 yrs. nang nagsasama… SIGAW NI ANDI: FOREVER AND EVER NA KAMI NI PHILMAR

ni Beth Gelena @Bulgary| July 3, 2024

Nag-celebrate ng 6th anniversary sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo as a couple. May short at sweet message sa bawat isa ang celebrity couple.
“Year 6, hangtod sa hangtod (forever and ever),” ani Andi.
Sey naman ni Philmar, “An ako pag mahal sa imo dili ma otro, mahal ko kaw karajaw! Happy Anniversary (My love for you will never change. I love you so much). ”
Tinalikuran ni Andi ang showbiz at kasikatan at piniling manirahan sa Siargao kasama ang surfer na si Philmar.
Pero, kamakailan lang ay dumating sa matinding pagsubok ang pagsasama ng dalawa. Napabalitang naghiwalay na umano sila nang pumunta ng Japan si Andi kasama ang dalawang anak nila ni Philmar na sina Lilo at Koa. Idinenay naman ito ni Andi pagbalik niya ng 'Pinas.
Pero hindi ru'n nagtapos ang intriga sa couple. Binigyang-kulay din ang isang video kung saan may kausap si Philmar na isang girl na umano ay pini-flirt ang fiancé ni Andi.
Well, hindi naman nag-worry si Andi sa isyu na kumalat at sinabing may tiwala siya kay Philmar.
Well, tama lang naman ang kanilang ginawa. Nagiging matibay ang samahan kapag may trust sila sa isa't isa.
Kasama ang kakambal…
JINKEE, IFINLEX NA ENJOY NA ENJOY SA PAGSA-SHOPPING

Ibinida ng misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang pagsa-shopping nila ng kanyang kapatid.
Ibinahagi niya ang kanilang larawan kung saan nasa isang grocery store sila ng kakambal niyang si Janet Jamora.
Ang caption ni Jinkee: “I really enjoy grocery shopping.”
The two sisters looked happy and relaxed as they picked out items from the store.
Samantala, sa Instagram (IG) ay ifinlex din ni Jinkee ang tour nila ng mister sa Cambodia. Pinasalamatan ni Jinkee ang mga netizens sa warm welcome na pagsalubong sa kanilang mag-asawa.
Komento ng mga netizens, “Sana all.”
Ifinlex ni Ray Parks sa kanyang social media ang aniya’y kanyang “life’s blessings.”
Makikita sa larawan na ka-holding hands ng basketball player ang kanyang girlfriend na si Zeinab Harake. Sa isa pang larawan, makikita naman na karga niya ang anak ni Zeinab na si Bia at sa isa pang photo, karga naman niya ang pamangking baby na tuwang-tuwa.
Sa last video ay makikita namang kinakausap nito ang anak ni Zeinab.
Ang daming nagsasabi na napakasuwerte ng content creator-influencer dahil natagpuan na nito ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya.
Parang tunay na anak kasi ang turing ni Ray Parks sa anak ng girlfriend. Kaya naman, giliw na giliw din sa kanya ang dalawang anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia.
Si Lucas ay legally adopted son ni Zeinab Harake.





Comments