top of page
Search
  • BULGAR

6 na taong naghintay, babu sa It's Showtime… KARYLLE, BUNTIS NA!

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | April 24, 2021




At last! After six years ng paghihintay, dininig din ang dasal ng mag-asawang Karylle at Yael Yuson. Buntis na si Karylle kaya naiyak sa tuwa si Yael.


Maging ang kanilang mga kaibigan ay tuwang-tuwa sa magandang balita na magkakaroon na sila ng little angel. Masayang-masaya rin para kay Karylle ang kanyang Mommy Zsa Zsa Padilla.


At para maalagaan nang husto ang kanyang magiging baby, minabuti ni Karylle na mag-leave muna sa It's Showtime. Prayoridad niya ngayon ang kalusugan ng kanyang anak.


Dapat ay bawas-trabaho at bawas-stress na siya ngayon. Maging si Yael ay ayaw na nga siyang pagawin sa bahay. Dobleng alaga at pag-iingat ang ibinibigay nito ngayon kay Karylle.


Naiintindihan naman ng mga co-hosts ng It's Showtime si Karylle. Wish ng mga ito na makaraos at maging ligtas si Karylle at ang kanyang baby.


Hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay ang kaligayahan ng isang ina kapag nakikita ang kanyang anak. Malaking blessing ito para kay Karylle dahil hindi niya inaasahan na sa edad niyang 40 ay nabigyan pa siya ng chance na magkaroon ng anak at maranasan ang maging ina.


Ito ang katuparan ng kanyang pangarap na makumpleto ang kanilang pamilya.





0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page