6 na bansa balik laban sa SEA V Cup Candon Arena
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by MC @Sports News | July 8, 2026

Photo: 6th SEA Volleyball Cup 2026 - Candon City Official
Magbabalik ang elite volleyball sa Candon City habang ang nangungunang 6 na bansa sa volleyball sa rehiyon ay maglalaban-laban para sa karangalan sa unang linggo ng Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) simula ngayong Miyerkules. Ang core ng Alas Pilipinas squad na nagpasiklab sa FIVB Men’s Volleyball World Championship 2025 ay babalik upang pamunuan ang kampanya ng bansa sa makabagong Candon City Arena.
Maglalaban ang Pilipinas at Cambodia ng 5:30 p.m. sa Group B play ng event na may FIVB world ranking points. Ang Thailand, kampeon sa unang leg noong 2025 sa Candon ay maglalaro sa curtain-raiser ng 2 p.m. laban sa Vietnam.
Magde-debut ang Myanmar laban sa Thailand sa Huwebes sa regional competition na in-host ni Candon City Mayor Eric Singson at sinusuportahan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.
Lalaban ang Alas Pilipinas sa 2025 SEA V. League second leg champion na Indonesia sa Biyernes. Ang mga mata ay itutuon sa karismatikong sina Josh Ybanez at mga kapwa beterano ng FIVB Volleyball Men's World Championship na sina Lloyd Josafat, Louie Ramirez at Vince Lorenzo.
Pinuri ng pangulo ng Asian Volleyball Confederation na si Ramon “Tats” Suzara ang Lungsod ng Candon sa pangunguna ni Singson para sa patuloy na pangako sa pagpapaunlad ng isport sa lahat ng antas.





Comments