6-mos. pagkakakulong at P10-K multa sa diskriminasyon sa batang katutubo
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 14, 2021
Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung maaari bang makulong ang isang tao kapag nagpakita siya ng diskriminasyon sa batang miyembro ng indigenous group o katutubo? – Angelito
Dear Angelito,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 7610 o “An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination, And For Other Purposes.” Nabanggit sa nasabing batas na:
“Section 20. Discrimination. – Children of indigenous cultural communities shall not be subjected to any and all forms of discrimination.
Any person who discriminate against children of indigenous cultural communities shall suffer a penalty of arresto mayor in its maximum period and a fine of not less than five thousand pesos (P5,000) more than ten thousand pesos (P10,000).” (Binigyang-diin)
Samakatwid, ang discrimination sa bata dahil siya ay katutubo ay maaaring maparusahan ng pagkakulong ng apat na buwan at isang araw hanggang anim na buwan. Higit pa rito, siya ay magbabayad ng multa na hindi bababa ng P5,000, ngunit hindi lalagpas ng P10,000.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments