top of page
Search
  • BULGAR

5th gold ni Yulo sa vault at bars, golden strike ni Tan sa bowling

ni GA / MC - @Sports | May 17, 2022



Patuloy na umaani ng gintong medalya si Carlos Edriel yulo sa gymnastics ng 31st Southeast Asian Games kung saan matapos ang unang 3 gold sa men's all around, floor exercise at still rings ay naka-ginto rin sa men's vault apparatus finals at sa parallel bars kahapon sa Hanoi.

Samantala, ang kabayang si Juanchit Eserio ay naka-bronze. Tinalo ni Yulo si Thailand's Tikumporn Suritonta bilang last performer sa iskor na 14.800 sa dragulescu at 14.700 sa his final attempt sa vault. Nanguna si Yulo sa parallel bars sa score na 13.867 para sa two-way tie kontra home bet na si Dinh Thanh Phuong sa top spot.


Ikalimang gold na ito ni Yulo, pinakamarami sa Pinoy athletes. Unang inaasahan ni Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion-Norton na ang two-time world champion ay hahakot ng "at least a minimum of four gold medals."


Samantala, muling naibalik sa Philippine bowling ang glorya sa 31st SEAG kahapon kung saan nasungkit ni Merwin Tan ang gold medal sa men’s singles event at tapusin na ang 11-taon na tagtuyot ng bansa sa gold medal.


Huling nagwagi ang Pilipinas ng ginto sa Jakarta 2011 mula kay Frederick Ong sa parehong event. Naka-gold si Tan sa Men's Singles.

Ika-10 gold kamakalawa ang nakuha ni Annie Ramirez sa jiujitsu 62kg habang si Fernando Casares ay ginto rin Men’s Individual Triathlon race sa Sunset Bay, Tuan Chau, Vietnam.


Golden performance naman ang ipinamalas nina Stephanie Sabalo de Leon at Michael Angelo Marquez sa single dance Latin cha-cha event nang hakutin ng Philippine dancesports team ang medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Vietnam noong Linggo ng gabi.


Nagwagi rin ang magkatambal ng silver sa single dance Latin jive at lahat ng 5 sayaw ng Latin events. Pilak na medalya naman ang naibulsa nina Wilbert Aunzo at Pearl Maria Caneda sa single dance Latin samba at bronze medal bawat isa sa single dance Latin rumba at single dance Latin paso doble events.


Samantala, dumagdag pa sa Philippine Athletics team ang 3 medalya, linggo ng gabi nang madepensahan ni William Morrison ang gintong medalya sa shotput.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page