51-anyos, tulog, kinatay ng katrabaho

by Levi Gonzales @News | November 18, 2026

Photo: File
Patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin habang tulog sa loob ng kanilang barracks sa Brgy. Calamias, Ibaan, Batangas.
Kinilala ang biktima na si alyas Fran, habang ang suspek naman ay kinilalang si "Ronnie,”nasa hustong gulang.
Batay sa imbestigasyon, alas-12:40 ng madaling-araw, pinasok umano ng suspek ang barracks ng biktima at pinagsasaksak.
Bago ang insidente, nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa. Agad namang tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon at hot pursuit operation ng pulisya upang madakip ang suspek.





Comments