Naningil ng pautang, niratrat ng riding-in-tandem, todas

by Jeff Tumbado @News | November 18, 2026

Photo: Circulated
Nasawi ang 39-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Malanget, Pandag, Maguindanao del Sur gabi ng Lunes, Nobyembre 16.
Kinilala ang biktima na si Muda Hassim Usman, ng Brgy. Linamunan, Talayan, Maguindanao del Sur.
Pauwi na umano ang biktima mula sa General Salipada K. Pendatun matapos maningil ng pautang nang sundan siya ng nakamotorsiklong mga suspek at pinagbabaril.
Agad na isinugod ang biktima sa Buluan District Hospital bago inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City, subalit binawian din ito ng buhay.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.





Comments