50% lang daw love kumpara kay Rico na 100%... CLAUDINE, UMAMING ‘DI NAGING MABUTING MISIS KAY RAYMART KAYA NAGHIWALAY
- BULGAR

- Aug 5
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 5, 2026

Photo: IG _claubarretto & _raymartsantiago
Inamin ni Claudine Barretto na hindi rin siya naging mabuting asawa kay Raymart Santiago at may kasalanan din siya kaya humantong sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.
Sinabi ito ng aktres sa kanyang panayam sa vlog ng aktres-komedyanang si Dang Cruz kung saan napag-usapan nila ang mga lalaking minahal niya tulad nina Mark Anthony Fernandez, the late Rico Yan at ang estranged husband na si Raymart.
Tanong ni Dang kay Claudine, “What went wrong sa inyo ni Raymart?”
Sagot ng aktres, “Um, alam mo, ‘di rin ako naging mabuting asawa, ha? ‘Di rin naman talaga lahat kasalanan ni Raymart.”
Paliwanag niya, “‘Di kasi ako submissive o ‘di ko naibigay sa kanya ‘yung pagmamahal na naibigay ko kay Rico. Yes, du’n aminado ako. ‘Pag mali ako, mali naman talaga ako. Inaamin ko ‘yun.”
Aminado ang aktres na hindi siya talaga naging 100% submissive wife kay Raymart.
“No. ‘Di ako 100%. I think, 50 lang talaga,” aniya.
In fairness ay naging okay naman daw talagang mister ang aktor at ipinagdarasal daw niya na maging okay na sila ni Raymart.
“You know, he was really also good naman sa akin. ‘Yung medyo end na lang talaga nagkaproblema.
“But you know, Raymart talaga, even up to now, ang prayer ko lang talaga is that maging okay na kami.
“Kasi ang ganda na nu’ng samahan namin, eh. Ang ganda na nu’ng co-parenting namin. For a while, it was okay na. We could trust each other na talaga and all.
“And you know, I just wish lang talaga na maging masaya na s’ya,” pahayag ni Claudine.
Sey naman ni Dang, “And you, maging masaya ka.”
Sagot naman ng aktres, “Yes, yes. But siguro, more than me, mas gusto ko sanang maging masaya na talaga si Raymart kasi I think I owe him that.”
Sa ngayon ay hindi raw sila nag-uusap ng aktor at hangad niyang magkapatawaran na sila. Dalangin din daw niya na makakita ito ng babaeng magbibigay ng pagmamahal na hindi niya naibigay.
“‘Yun ang prayer ko talaga, na sana magkapatawaran talaga kami. Para matapos na at makapag-move on na s’ya at makahanap s’ya ng... Ang wish ko for Raymart talaga is makahanap s’ya ng taong magmamahal sa kanya. ‘Yung love na ‘di ko naibigay sa kanya. ‘Yung love na dapat talaga, supposedly, naibigay ko sa kanya. Kasi sa 100%, alam ko talaga, 50% lang siguro ang naibigay ko ru’n,” pahayag ni Claudine.
Inamin din niya na kung maibabalik lang niya ang panahon, marami raw siyang babaguhin sa kanyang mga ginawa noong nagsasama pa sila ng aktor.
“Kung puwede lang ibalik ‘yung dati, ang dami kong iibahin sa sarili ko. Kung dati, kung puwede ko lang i-rewrite ‘yung istorya namin ni Raymart, ang dami kong mas gagawin para lang mas naging stronger ‘yung foundation ng pagsasama namin for our children,” pag-amin ni Claudine.
As for her personal life, may mga nagpapakilig naman daw pero hanggang doon lang at ayaw na muna niyang makipagrelasyon sa ngayon.





Comments