50% dagdag-taripa, ban sa mga produkto, etc... U.S.-Canada trade war, lumala

ni Justine Berganio @Overseas News | September 10, 2026

Photo: Pres. Donald Trump at Canadian Prime Minister Mark Carney - FB Donald Trump, The Canadian Press via AP
Lumala ang trade war ng Estados Unidos at Canada matapos ipagbawal ng administrasyong Trump ang pagpasok ng karamihan sa Canadian alcohol, motorcycles, whey, molasses at nonalcoholic beer simula Setyembre 29.
Kasabay nito, magpapataw ang US ng dagdag na 50% tariff sa Canadian cheese, steel, aluminum at bamboo furniture simula sa susunod na Martes.
Ang hakbang ay tugon umano sa $20 bilyong (P1.25T) tariff ng Canada sa mga produktong Amerikano, matapos ding patawan ng US ng kaparehong halaga ang Canadian goods.
Sinabi ng White House na hindi umano nakipagnegosasyon nang maayos ang Canada at hindi inalis ang ilang trade barriers. Nangako naman si Canadian Prime Minister Mark Carney na tutumbasan ng Canada ang US tariffs.
Nagbanta rin si Trump ng 50% tariff sa lahat ng Canadian automotive imports, trucks, auto parts at steel pagsapit ng Enero 1, 2027 kung walang magiging kasunduan.
Ipinagbawal din ni Trump ang Canadian-made products sa federal government contracts hangga’t hindi umano binubuksan ng Canada ang merkado nito sa US.
Target din ng banta ni Trump ang Canadian aircraft maker na Bombardier, ngunit sinalungat ito ng ilang Republican senators dahil sa libu-libong trabaho nitong nalilikha sa US, kabilang ang mahigit 1,200 trabaho sa Kansas.





Comments