50-anyos na next year… PIOLO, WALA PA RING KAPALIT SA TRONO BILANG ULTIMATE HEARTTHROB
- BULGAR

- 1 day ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 9, 2026

Photo: FB Piolo Pascual PH
Ayon kay Piolo Pascual, mas okay sa kanya na tawaging “Papa P” kaysa Ultimate Heartthrob dahil hindi na siya bata at magpi-50 na sa January 12, 2027.
Aniya, “At 50 or 55, I think it’s kind of stretching it. The Ultimate Heartthrob can go away. I don’t mind. I’m happy about that. I know for a fact that it’s not going to be like that forever, so I’m just appreciating it.”
Sabi naman ng mga netizens…
“Papa P, walang makakapalit sa ‘yo at nag-iisa kang Ultimate Heartthrob. Mahal na mahal namin ang aming nag-iisang Piolo Pascual.”
“I’m moving soon to the Philippines to start filming and I’ll take over the title. I don’t mind.”
“I love you, Papa P.”
“Napaka-down-to-earth naman ng Ultimate Heartthrob across all generations namin.”
“For us, Kuya PJ, ikaw ang nag-iisang Papa P at Ultimate Heartthrob namin. God bless.”
“Guwapo kasi kaya ganyan. Kilig all.”
“You aged like a fine wine, Mr. P.”
“Oh wow... There’s love in the air here and we are all excited about you both. Whoever she is, sir @piolo_pascual, you must truly be in love with the lucky girl or woman of your dreams. We wish you both the best and we’re looking forward to your wedding bells soon.”
“Humbled heart. You’re passing it on to the next generation. Or simply, your son can be the next heartthrob.”
Well, sa ngayon, sa dami ng mga sumisikat na ring young actors, tila wala pa ring nakakapalit sa trono ni Piolo Pascual bilang Ultimate Heartthrob.
SOBRANG proud si Janine Gutierrez sa boyfriend na si Jericho Rosales dahil ang aktor ang nagbibigay sa kanya ng lakas para maging confident sa sarili.
Wika niya, “Sobrang nakakatulong s’ya (Echo) sa confidence ko kasi minsan, feeling ko, baguhan pa rin ako. Ewan ko, parang in my head lang.
“But he always reminds me na maganda ‘yung work at kung ano ‘yung kaya kong gawin. He also reminds me to not be afraid to be seen.”
Sey ng mga fans…
“You’re so beautiful and talented, Janine.”
“That’s love and affection.”
“EchoNine na rin ako kasi kinikilig ako sa kanila.”
Tanong naman ng isang faney, “So when are we expecting a Jericho and Kristine (Hermosa) movie?”
Ikinasisiya ng EchoNine reel and real sweethearts na kahit maraming namba-bash kay Janine Gutierrez tungkol sa kanyang looks at iba pang isyu ay dedma lang daw ang aktres.
Basta kapani-paniwala raw… JENNYLYN, GAME MAG-ENDORSO NG PULITIKO SA 2028
SA isang panayam kay Jennylyn Mercado kaugnay ng latest endorsement niyang Beautederm Reverie, inamin ng aktres na bukod sa tumataas na presyo ng lahat ng bilihin, nangangamba siya para sa kinabukasan ng kanilang mga anak ni Dennis Trillo dahil sa mga kinakaharap na isyu ng bansa sa kasalukuyan, lalo na ang flood control scam.
S’yempre, may takot dahil sila ‘yung haharap sa future. Gusto natin ng matino at maayos na leaders ng bansa para sa future ng mga kabataan,” sambit niya.
May balak ba silang manirahan sa Amerika kung saan may nabili na silang bahay?
Pakli ni Jen, “Ay, ‘di pa naman. Mas masaya rito sa Pilipinas.”
Dugtong pa niya, “Mas masarap pa rin dito. Iba pa rin ‘pag kaharap mo ang mga Pilipino at kasama mo sila.”
Matatandaang kabilang si Dennis sa mga celebrities na naunang nagpahayag ng pagkadismaya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa kasabay ng tensiyon sa Middle East.
Samantala, dahil malapit na ang 2028 elections, may posible bang iendorso si Jennylyn na kandidato?
Bukas naman daw siya basta naniniwala siya sa pagkatao at kakayahan ng mga pulitikong tatakbo.
“Depende kung talagang pinaniniwalaan ko. May ilan-ilan pa rin namang kapani-paniwala,” aniya.





Comments