top of page
Kim Chiu - IG.jpg

5 tiklo sa P3.5M shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
26 minutes ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | September 15, 2026



P3.57M shabu tiklo - PDEA Regional Office BARMM

Photo: PDEA Regional Office BARMM



Arestado ang limang katao at nasamsam ang tinatayang P3.57 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.


Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Edgar T. Jubay, unang naaresto sa buy-bust operation sa Brgy. Kanguan, Datu Piang, Maguindanao del Sur ang 32-anyos na lalaking si alyas Toy.


Nakuha sa kanya ang 10 heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.


Samantala, apat pang suspek ang naaresto matapos buwagin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang drug den sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte.


Kinilala ang mga ito sa alyas Dopol, 50, sinasabing maintainer ng drug den; Nonoy, 48; Jerry, 55, at Ronald, 40, pawang residente ng Brgy. Sarmiento.


Nasamsam ang 19 sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page