Motor vs. trak, 3 magkakaangkas nagulungan, lasog

by Jeff Tumbado @News | November 20, 2026

Photo: File
Nasawi ang tatlong lalaki matapos magulungan ng cement mixer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kahabaan ng M. Valte Road sa Barangay Camachile, Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima sa mga alyas na France, 30; Adrian, 19; at Jericho, 19, na pawang residente ng Sitio Buasao, Brgy. Sapang Bulak sa nasabing bayan.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagkasalpukan ang motorsiklong sinasakyan ng tatlo at ang cement mixer truck alas-2 ng madaling-araw noong Lunes, dahilan upang magulungan at agad na masawi ang mga biktima.
Ayon kay Bulacan Police OIC Provincial Director Police Colonel Jay Baybayan, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at ang posibleng pananagutan ng driver ng truck.
Hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang mga awtoridad hinggil sa insidente.





Comments