46 si babae, 28 lang si lalaki… SHERYL, GAME NA GAME NA NAKIPAGTIKIMAN KAY JERIC

ni Nitz Miralles - @Bida | January 13, 2021

Very proud na ipinost ni Sheryl Cruz ang grades ng anak niyang si Ashley na nag-aaral sa San Francisco State University sa San Francisco, California.
Ang tataas ng grades ng kanyang 19-year-old daughter. Ang hashtag nga niya sa kanyang post ay #MyGorgeous19DeansLister #SoProudOfYou at #CongratulationsAshley.
Kaya kahit malayo sa kanya ang anak, okay na rin kung ganyan namang nag-i-excel ito sa kanyang studies.
And speaking of Sheryl, marami pala talagang kinikilig sa kanila ni Jeric Gonzales sa hit Afternoon Prime ng GMA-7 na Magkaagaw na balik-telebisyon na simula January 18.
Dedma na ang mga kinikilig na fans sa age gap ng dalawa — 46 years old na si Sheryl at 28 years old lang si Jeric — basta para sa kanila, bagay ang mga ito at may chemistry.
May mga nababasa pa nga kaming comments na sana, for real na ang relasyon nina Sheryl at Jeric at hindi pang-telebisyon lang.
May nag-comment pa na siguradong hindi magiging problema sa dalawa ang kanilang age gap kapag naging sila.
Matutuwa ang mga fans nina Sheryl at Jeric sa fresh episodes ng Magkaagaw dahil sa mga intense na eksena nila. May nakita pa nga kaming eksena nila sa bathtub at may mga kissing scenes pa.
Para malaman ang iba pang eksenang ginawa nila, tutukan ang pagbabalik ng drama series hanggang sa pagtatapos nito.





Comments