top of page
Search
  • BULGAR

45 patay sa pag-atake ng Israel sa Rafah

ni Angela Fernando @News | May 28, 2024


Nagdulot ng malaking sunog na pumatay ng 45 katao ang airstrike na isinagawa ng Israel sa kampo sa lungsod ng Gaza sa Rafah.


Dahil sa nasabing pag-atake, marami ang nagprotesta sa mga lider sa mundo at nanawagang ipatupad na ang utos ng World Court na tigil-putukan.


Kinumpirma ng Israel na lumabas sa paunang imbestigasyon na ang pag-atake laban sa mga lider ng grupong Hamas ang naging dahilan ng malaking sunog.


Agad namang nagbigay ng pahayag ang mga nakaligtas at sinabing naghahanda na ang mga pamilyang Palestinians upang matulog nang tumama ang pag-atake.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page